Henshin!

Tuesday, March 26, 2013
http://www.japan-legend.com/wiki/images/6/63/Kr_black.jpg


http://www.youtube.com/watch?v=U9O9WMaMg6E

Kung pagbibigyan lang din ako ng pagkakataon, gusto kong maging isang kamen rider. Siyempre, secret identity dapat yun saka dapat may mga kalaban ako na mga kampon ng kadiliman. Sa totoo lang, kapag medyo inaantok ako sa mga lecture sa klase, iniisip ko na biglang may lalabas na mga halimaw sa may tabi ng lecturer (yung biglang sasabog yung pader sa harap tapos uusok...). Yun! Chance! Biglang magkakagulo sa room pero di muna ako magtratransform... maghihintay muna ako ng ilang sandali, baka kasi sakaling meron pang ibang kamen rider bukod sa akin sa mga classmates ko at kung meron man, siya na bahala. Kung ako lang talaga... HENSHIN!

Sana lang after henshin, may power boost at skill boost, wala naman kasi akong alam sa martial arts. Siguro naman di ako agad lulusubin ng kalaban habang ginagawa ko yung ritual ng pagtratransform, standard rule na yun sa lahat ng hero transformations. May background music din dapat para ganahan ako.

Problema nga din pala yung pagliligpit nung kalaban pag natalo na... Ok kung bigla nalang magalalaho yung katawan nila pag natalo sila.

Di din dapat mawala yung love interest ng tagapagtanggol. Importante yun, dapat may inspiration.
-----------------------------------
Mahihirapan nga din pala ako sa pagaaral kung araw araw ay may lilitaw na kalaban. Mainam kung once a week lang (ganun din naman yung sa tv, once a week lang pinapalabas) saka kung lilitaw sila kung nasaan ako. Di pa naman ako marunong pumunta sa ibang lugar maliban na lang kung sa school at dorm. Kapag uuwi ako sa probinsya para sa bakasyon, may ceasefire din dapat. Di kasi ako mahilig lumabas ng bahay. Saka kailangan din naman ng bakasyon ng mga halimaw. 


taking the longer route

Friday, March 15, 2013


From up I went down
Then I went back halfway
Walked a few steps diagonally up
Then got back
Just to walk a few steps diagonally down
I slept

From down I went up
Walked to the right
Went back
Walked down halfway
Walked to the right
Then back again
Went back where I started
And walked to the right
I slept

Once again I went up
Walked down diagonally
Then up again
I slept

Only on the fourth day
Did I realize
That  walking in a path
Of an inverted triangle
With a base of a Double arch
Would mean just the same

Don't ask why

Wednesday, March 6, 2013
I'm being sucked into a wormhole again. I'm finding it hard to differentiate reality from a dream. My only foothold to sanity is the notion that in a dream I'm alone while in reality I'm isolated. Physically different but emotionally the same.  
Thursday, February 14, 2013
I'll hasten my passing
to make way for the sun
for the world to behold 
the beauty you must flaunt

Meanwhile...

Monday, February 4, 2013
Human nature. One will only learn when one is on the brink of death. Yet they may argue how can they sustain billions of life without doing so. Still, they got A LOT of heads to do the thinking. Its a given though that they think of themselves first before others.    

http://science.time.com/2013/01/29/the-scariest-environmental-fact-in-the-world/

The quirky idea of inserting USB devices in our own heads to store files may really become the norm someday in the future. Does it come with formatting? Can our precious minds then be hacked? Yun na nga lang yung maipamamana samin ng mga magulang namin saming mga magkakapatid, may posibilidad pang manakaw. Truthfully, its scary.

http://science.time.com/2013/01/24/goodbye-silicon-hello-dna-the-future-of-data-storage/

Sweep up the memories

Saturday, February 2, 2013
https://www.youtube.com/watch?v=TGVG4sKLkLs
Sweep, Sweep up the memories. Those old, untidy memories. Broken, mixed-up memories. Of what we had one day.
Sweep, Sweep out the nonsense. That crazy happy nonsense. This world's too old for nonsense. Sweep, just sweep it all away.
Everything in a state of grace. Everything back in its proper place. No more rainbows for us to chase. No more games to play.
Sweep, Sweep out the laughter. There's no more time for laughter. At least, not until after I come back and You know I just may.
- Dr. Seuss' The Cat in the Hat

Awakened from slumber

 http://www.movpins.com/dHQwMTExMTQz/the-shadow-%281994%29/

from the darkness 
i was conceived
in the shadows 
i shall live

To end this all, this is the only viable way that i can think of right now. Kirisute Gomen. To all, I apologize in advance.


Who knows what the shadow knows?

ebbing tide

Friday, February 1, 2013
Sometimes even the idealists do fall to the idea of a hopeless future, succumbing to the vicious cycle of a disenchanting reality. 

http://tvtropes.org/pmwiki/pmwiki.php/Main/TheEeyore

looming end

http://shadowness.com/Crille/charon-2

the night is nigh
and the poor crow cries
for he can see no more
in the sea of shadows
where the ferryman rows
downstream to the gallows

Nakama

Thursday, January 31, 2013
Another 2 of them... lost. When you least expect it, it will surely hit. I even thought I was doing pretty well. So much for change huh?

Should I look forward for more? Or rather must I be used to this... not that I am not in the first place.

http://th06.deviantart.net/fs70/200H/i/2011/262/b/a/skeletons_always_cry_at_sunset_by_ultraeast-d4admz6.jpg

If you ever change your mind

Tuesday, January 29, 2013
http://www.youtube.com/watch?v=uuVnbI5zLM8

Basta sa seat (L/R?)-K1 lang naman ako lagi.

to infinity and beyond!

Sunday, January 27, 2013
Dapat ay nagaaral ako sa mga oras na ito. May tatlong eksam na nakalaan sa buong linggo. Ngunit kung saan saan nakararating ang isip ko.

isang tuyong dahong
nagpapatangay sa hangin
walang pakialam
san man nito dalhin
at anuman ang sapitin

Siguro nga ay tuyong tuyo na ang utak ko. Habang tumatagal parang lalo akong nabobobo.

bobo, ulo'y puro
hangin na parang lobo
ano ang sabi ng lolo?
utak daw ay may toyo

TL. True love. Tunay na pagibig. Sabi ni Carl Rogers: unconditional positive regard. 'I extend to you my (unconditional positive) regards' haha.  

pagibig muna bago dota
mauuwi naman sa pag toma 
RAK na lang mga dre
Ice yan tol! pare
 
Matagal na rin akong di nakakapag GG. Pero di ko rin naman talaga gaanong naappreciate yung gameplay at medyo naguguluhan ako. Talong-talo nga ako ng mga nakababata kong kapatid.

piniritong galunggong
sinawsaw sa bagoong
iyong huling hantungan
ay dito sa aking tiyan

Naalala ko nanaman yung nabasag kong bagoong na nakagarapon. Tapos nakakita pa ako ng 2 anghel sa Mcdo nung araw din na iyon. Biruin mo, naging kaibigan ko din yung dalawang iyon!

naamoy mo na ba
ang halimuyak ng hininga
ng isang anghel?
que bien huele, que bien huele

Angel's breath yung polbo na ginagamit dati samin ng aming nanay nung maliit pa kami ng ate ko. Ngayon ay wala na akong nakikitang ganitong brand na itinitinda sa mga mall. Nilalaro ko lang ang polbo noon, kadalasan pa nga ay sa likod na aking tatay yung playground. Saka pag gumamagawa ako ng eroplanong papel ay nilalagyan ko ito ng polbo para pag pinalipad ko ang eroplano ay parang nagiiwan ito ng usok.

enola gay
isnt gay as it says
and little boy 
isnt about fun and toys

Di na rin siguro nakapagtataka kung bakit pinangalanan ang makasaysayang eroplano hango sa pangalan ng ina ng piloto. Maski nanay ko parang bomba din kung magalit sakin kung minsan (minsan lang naman, peace mami!). Pero mas okay siguro kung mas malakas yung dating ng pangalan nito tulad ng: 'wrath of the grim reaper', 'devil's hearse of eternal damnation', 'one way trip to Malebolge', o kaya 'the eight legs of Sleipnir'. Dun sa bomba naman, bakit kaya little boy yung napili? 'Boom shakalaka' nalang sana. Pwede ring Batang X hehehe... 


My Beloved

Friday, January 25, 2013
http://www.youtube.com/watch?v=0Jm4p_HCwKA

glow worms

Thursday, January 24, 2013
I am a bit overwhelmed with what happened this night. I just cant believe that my classmates would accept me that easily. I'm really really grateful to them. I also made new friends (I think and I do hope). With all of their enormous effort trying to make me feel that I too 'belong', I still just cant help being the usual 'loser' me.

I'm sorry guys. I know that its unfair.

Even to myself I'm unfair.



Isang bukas na liham

Saturday, January 12, 2013
Ngayon na siguro ang huli nating pagkikita. Maski ako ay nabigla sa di inaasahang pangyayari na nagdala sa atin sa sitwasyong ito. Gayundin naman, maaaring di mo napansin na ikaw din ang nagbigay ng huling suntok sa resolusyon nitong katapusan. Pero ayos lang iyon, sigurado naman akong di mo alam ang tinatakbo ng isipan at saloobin ko. Kung sabagay, ako lang naman ang lumikha at nagsimula ng lahat ng ito kung kayat nararapat lang siguro na ikaw naman ang tumapos. Masaklap nga lang, ang katotohanan ay di mo din alam na mayroon tayong sinimulan kahit papaano. Di rin naman kasi ako nagsalita.

Nabubuhay ka sa realidad, ako naman ay sa panaginip. Alam mo ba na ikaw ang panaginip ko? Sa madaling salita ay nabuhay din ako sa realidad nang dahil sa iyo, kahit sa maikling panahon lamang. Itoy buong puso kong ipinagpapasalamat.
------------------------------------------------

Sa kabila ng lahat ng ito, di ko pa din magawang tapusin ang sulat na ito. Marahil akoy umaasa pa din.

Sideshow


http://www.youtube.com/watch?v=TscxLlhMiig

sadyang napaaga at di man lang nabigyan ng pagkakataon na umiwas

Hibiscus' Scent

ikay isang gumamela
buong pusong sinasalubong
ng iyong mga petalya
ang masiglang banaag
ng haring araw

ako naman ay ang gabi
sa aking pagdating
ikay nagkukubli
habang mahigpit mong niyayakap
ang liwanag na nananatili

ikay isang gumamela
sa bubuyog iyong nilalaan
ambrosyang nagbibigay buhay
sa mga Diyos
nararapat na alay

akoy isang gamugamo
sa liwanag
kailanmay di magpapatukso
mga pakpak handang maging abo
matikman lang ang alak mo

ikay isang gumamela
siya naman ang araw
at ang bubuyog
habang ako ang gabi
at ang gamugamo

----------------------------

eto pala... isang gumamela
a perfect and complete flower
to show my perfect and complete love for you

sorry Sir Alvin, it may not work this time



2 Milestones in a week

Jan 9 2013

the inevitable happened:

you live in reality
i live in a dream
but my dream is you
then i lived in reality
because of you...
even for just a little time 

Jan 11 2013

was able to fully utilize school's resources, therefore screwed biochem exam 'afterhand'

Kirisute Gomen (Trivium)

Tuesday, January 8, 2013
http://www.youtube.com/watch?v=pYKNm4qMJTc

"I will never be what they
Want me to
I live by my own path in life
No turning
Back now, I won't be held down
Forced into a shallow grave built upon their empty ways
No turning
I will never be what they
Want me to
I live by my own path in life
There's no turning back"

ang iyong salita ay isang awit

Sunday, January 6, 2013
sa kaluskos ng mga dahon
ay may isang awit
na sinasabayan ng mga anghel
sa pagtugtog ng alpang bitbit

magalak! mga orehang makasasapit
sa tinig ng bukang liwayway
gayundin ang takipsilim
sa kanyang pagsambit

--------------------------

mga salitay hangin lamang
na ibinuga ng iyong baga
at binuhay ng iyong natatanging tinig
at di din mapagkakaila
na kung anong isinulat sa hangin
ay dagliang mawawala

 

Uwak

Friday, December 14, 2012
 http://media.lunch.com/d/d7/384334.jpg?2 


Napakahirap idaan sa salita ang dapat pinapakita sa kilos o gawa. Ang pagkatuwa ay mas matatanggap ng iyong kapwa sa pamamagitan ng iyong pag ngiti kaysa sa simpleng pagsambit nang mga salitang nagpapahiwatig ng iyong kasiyahan. Gayundin ang lakaran sa iba pang mga emosyon, mas makabuluhan kapag epektibo ang iyong pagpaparadam gamit ang ekspresyon ng mukha at kilos ng katawan. Tulad lang din sa isang pelikula, walang kwenta kung maganda lang ang script, dapat mahusay din ang mga gumaganap na aktor.

Ang masklap pa, kung hindi mo na nga kayang ipakita sa pagkilos at sa ekspresyon ng mukha ang iyong nadarama, ay di mo pa din kayang idaan ito sa mga salita. 
---------------------------------------------------------------

Di na talaga ako makaahon sa lumbak na ako mismo ang humukay. 

Kumakatok na naman sa aking pintuan ang 'matalik kong kaibigan'. Di ko alam kung bubuksan ko ang pinto, sa totoo lang kinikilabutan ako sa tuwing maririnig ko ang kanyang pagkatok. Gayun pa man, siya lang ang tanging bumibisita sa akin, parang siya lang ang nakauunawa sa akin. Pero takot ako sa kanya...  

Sepilyo Ni Marie Antoinette

Wednesday, December 12, 2012


akoy isang maninisid
habang pumapalaot
ang apat na palasong pilak ni Artemis
ay siya namang aking babaybayin
ang magpagpalayang bukal
na hitik sa mga toreng garing
upang magbahagi ng salbabida
sa mga hapong diwa
na pinalakad sa tablon
at nilunod ng bawat paghikbi
ng mga nagluluksang nimpa

pagkayari namay
akoy magiging marino
at maglilingkod sa barkong
maghahatid sa lupang pangako
na sa paglalayag sanay gumuhit
ng mga bakas sa mapa ng kahapon
at magsilbing gabay
sa mga sususunod na maaakit
maliligaw at malulunod
ng mapanlinlang na pagawit
ng mga sirena

Cutie Cutie Chewing Love

http://www.youtube.com/watch?v=Afwu4a8FtTo

Mas magaling pa din ang pon pon way way, pero 'cutie chewing love'? saka 'sweetie sweetie girls love'?

kendi at pagibig
di naman kasi lahat ng kendi ay matamis
di lahat ng kendi ay makulay
may matigas, may malambot
may mabilis maubos, may mabagal maubos
kaya lang, kung minsan nakakasawa din ang kendi
nakakasawa din ba ang mahalin?
ang magmahal?

San kaya makakabili ng ganung candy?  

Forsan et haec olim meminisse iuvabit

Monday, November 19, 2012
ANG BAGOONG

Nakakita man ako ng dalawang anghel nung sabado, di pa din ako tinantanan ng kamalasan.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gumastos ako para sa isang bagay na di ko naman kailangan at di ko naman balak na bilhin. Nakabasag ako ng bagoong na nakagarapon sa isang tindahan. Dahil sa nakalagay ito sa may gilid ng estante at dahil na din sa malaki kong backpack, nasagi ko ito ng di inaasahan. 80 pesos ay naglaho na parang bula, maski bula nga wala akong naabutan. Di ko naman pwedeng iuwi yung bagoong dahil kumalat na ito sa sahig at nahaluan na din ng mga bubog.

Eto yata yung bagoong na yun, pero di ako sigurado:
pan pak:
http://lifestyle.inquirer.net/58375/try-green-mango-sorbet-with-bagoong

naalala ko tuloy yung tilapia ice cream na kinuwento sakin ni Ken

Wala na. Wala.

Monday, November 12, 2012
tuwing nagpupulong
ang mga aninong
naglilihim
ang gabay ay tala
sa liwanag, di sakim

sabayan man ng pagtibok
ang pagindap
mata lang ang makararating
hangarin ng kaluluway
sanay masalamin

ngunit ng minsay
pakpak ay nawala
naging bulalakaw
bituin, sa pedestal
ay bumaba

sa paghalik sa lupa
nagmistulang bato
naglaho ang lahat
pati ang mga anino

ang nooy nagtatanglaw
ngunit tinitingala
ngayoy abot kamay
pero balewala

sa natitirang hiling
ano ang pipiliin?
ang mapasayo
o mapasakin?

-----------------------------------------------

Now is the spring of my discontent.






Here's looking at you kid!

Here's looking at you kid! - Helios

Kaya naman pala e. Haring araw.
Just got sideshowed.

Wala na.

Wala.

Have You Seen Her - Chi-lites

Sunday, November 11, 2012


https://www.youtube.com/watch?v=xVYxKRXDT2I

May Kumakaway

Wednesday, November 7, 2012
sa pagkumpas
ng iyong kamay
ito ba'y nagbabadya
ng pagtikas
kung 'di ay pagyuko
ng gintong mirasol
at sa pauli-ulit
na pagpihit nito
sa iyong braso
ikaw ba'y naglalaan
ng isang sulo
o tumatawag ng ulan
sa gabing
binabalot ng katahimikan
hanggang sa inaasahang
paghinto at pagtikom
ng iyong palad
hawak hawak mo kaya
ang inalay na hiyas
na sinungkit
sa kalangitang pininturahan
ng nagpapaalam na araw

Bus 3

Monday, October 22, 2012
TIC TAC TOE


Akoy namamangka
Sa ilog ng aking isipan
Sa bawat paghampas ng sagwan
Siya naman ang galit na pagsambit
Ng tubig - Ang tanging tunog na maririnig
Sa nakabibinging katahimikan

Hindi matanaw ang hangganan
Hindi rin alam ang sinimulan
Basta nalamang namulat
Sa mapanglaw na nakatotohanan

Sa poot at lungkot na nadarama
Para kanino kaya
Ang luha na dumadampi
Sa maputlang pisngi
Para kaninong tenga kaya
Humihiyaw ang pusong
Di makapagtimpi

Wala nang nasang magpumiglas
Ang nakagapos na mga paa
Sa tanikalang kalawangin

Ang mga mata'y sanay na
Sa nakasisilaw na kadiliman
At ang katawan ay di na iniiinda
Ang nakapapasong ginaw ng katotohanan

Maski ang sariling paghikbi 
Ay di na madinig
Takot na tumingin sa tubig
Pagkat baka magulat at magtaka
Di makapaniwala
Di makilala
Ang imaheng masisilip
At tuluyang mabaliw
------------------------------------------------------------------

Never had a field trip that I really enjoyed.

Masyado kasi akong spoiled, kumbaga kailangan talaga dapat may magsubo muna sakin bago ako kumain. Para tuloy wala akong natutunan sa UP, nakakahiya. Kahit ayaw ko, palagi akong napipilitang bumalik sa sarili kong mundo. Noong pre school ko pa binuo yung mundong iyon, hanggang ngayon pa ba naman di pa din ako makagraduate at tuluyang makalaya. I'm already old and not getting any younger. Lumalaki lang talaga akong paurong. Lotus flower... hanggang kailan ka ba magtatago? Hoy susi, pag nakita kita, the first thing I'll do is to duplicate you. Hirap ng nawawalan ng susi. 

Betcha By Golly Wow

Sunday, October 21, 2012
http://www.youtube.com/watch?v=eOByk8N0TXw&feature=fvwrel

welchallyn

Wednesday, October 17, 2012


Hintayin ang hating gabi
Kung kailan ang mundoy humihimbing
At ang buwan at mga tala lamang
Ang siyang magiging saksi

Lumusong sa dagat
At pagurin ang sarili
Sa unti-unting pagsisid
Sa kaibuturan ng karimlan
Isang hangganang di makakamtan

Kung lupaypay na ang buong katawan
Ay humiyaw ng malakas
At ilabas ang lahat ng luha
Maski pawang wala namang nangyayari
Maski wala nang nadarama

Hayaan ang diwa
Sa kataway panandaliang kumawala
At sumayaw sa malungkot
Na himig ng pagiyak
Ng iba pang mga nalulunod na nilalang

Sa pagmulat ng mga mata
Kataway sa dalampasigan
Ay naianod na
Upang muling ipagbunyi
Ang bukang liwaway

(At sa nahaharap na hating gabi
Kung kailan ang mundo'y humihimbing
At ang buwan at mga tala lamang
Ang siyang magiging saksi
Ay muling magpalunod at magpaalon
Sa silakbo ng damdamin)