14/100

Wednesday, May 30, 2018

gumising ka, munting bampira
ang buwan ay bilog na muli
pakpak ay ihayo't igala
liwanag ko'y sayo ang silbi

sa ipinagpalang nilalang
itinadhana ngayong gabi
leeg, sa pangil nag-aabang
wagas na halik ng iyong labi

itong sumpang kinalakihan
sa sarili ay 'wag isisi
mundo'y higit makasalanan
pintas ay 'di kawalang puri

sa langit ngayo'y pumanaog
ulap sa iyo'y kakandili
halina't ikaw ay matulog
hanggang sa'yong paggising muli  

0 comments:

Post a Comment