Out of nothing 3

Thursday, October 11, 2012
Ang konsepto ng pakikisama ay isa sa mga pinahahalagahang katangian nating mga Pilipino. Sa pakikisama sa ibang tao, handa tayong makiisa at makisimpatya sa anumang kalagayan na dinadanas ng ating kapwa. Kadalasan pa nga, dulot ng lubos lubos na pakikisama, ay handa tayong magtiis ng hirap para sa ating kapwa. Sa mga ganitong pagkakataon, pinipilit pa din natin ang pag ngiti sa kabila ng sakit, pagod, at hirap.

Nakatutuwa ang konsepto ng pakikisama dahil ipinakikita lang nito na tunay nga na likas sa ating mga tao ang pakikihalubilo. Kung sabagay, hindi tayo mabubuhay ng nag iisa lamang. Ayon nga kay John Donne:


"No man is an island, entire of itself... any man's death diminishes me, because I am involved in mankind, and therefore never send to know for whom the bells tolls; it tolls for thee."

Siyempre, dahil tao tayo ay kaya nating ilagay ang ating mga sarili sa kalagayan ng ating kapwa tao, 'nakakarelate tayo' ika nga.

Nakaiinis lang isipin na minsan, ang konsepto ng pakikisama ay ine-equate sa konsepto ng imahe o panlabas na katangian. 

Natural lamang sa atin na ipresenta ang ating mga sarili sa ating kapwa bilang mga magaganda at mga poging nilalang. Kumbaga, minamarket natin ang ating mga sarili sa ibang tao. Sino ba naman ang gustong mag mukhang panget sa mundong ayaw sa mga panget. Masokista ka siguro kung okay lang sayo yun. Pero dapat nating tandaan na ang panlabas na anyo ay isa lamang mababaw na sukatan ng ating pagkatao. Nangingibabaw pa din ang kagandahan at kapogian ng ating ugali at asal. Sa kabila nito, hindi mapagkakaila na may mga taong mas pinahahalagahan ang kanilang kababawan. Kung sabagay, ang ating panlabas na imahe ang unang bagay na nabinibigyang pansin ng ating kapwa.

Ang pakikisama sa kapwa sa pamamaraang mababaw ay pagsisinungaling. Ito ay pagsisinungaling di lang sa kapwa, pati na din sa sarili. Tinatalo nito ang esensya ng kabuluhan ng pakikisama. Tinatanggalan nito ang pakikisama ng elemento ng sinseridad. Sa madaling salita, hipokrito ka kung ganito ka. Mas uunahin mo pa ba ang iyong imahe kaysa sa tunay mong saloobin? Ngingiti ka pa din ba kahit galit na galit ka na? Tatango ka pa din ba kahit ayaw mo na? Pipilitin mo pa din ba kahit hindi mo na kaya? Bakit hindi mo na lang sabihin yung totoo, pinahihirapan mo lang yung sarili mo at niloloko mo yung kapwa mo. Siguro naman, hangad din ng iyong kapwa ang iyong ikabubuti. Ikaw nga yung nakikisama sa kanya e, kumbaga tinatanawan ka pa niya ng utang na loob. Huwag mo naman ito sayangin sa iyong kababawan. 

 

still a lock without a key

Sunday, October 7, 2012
It's kinda frustrating that things are still the same for me. Though I'm already realizing my dream of becoming a doctor in DLSHSI, I still feel unsure about a lot of things. Maybe its because that I'm pushing myself somehow, like having one foot on the dock and the other on the boat. It's just that I think haven't matured yet (?), that I still am lacking something that is crucial for the situation I am in right now. Honestly, I'm aware of what's wrong with me but I just keep on denying it. If I don't do something about it I'll surely end up making the same mistake I did back in high school and college. But how can I solve things up if I still don't have an answer to my problem? Should I make an answer for myself rather than seek it? But that would be hard...

 I'm sick of this. Gosh, I hate myself.                

paikot-ikot (vicious circle)

Friday, October 5, 2012
sa bawat siklo ng pagsilang at paghimbing
ilang tala kaya ang sana'y nakapiling
sapagkat mga paay balisang balisa
at isip namay sadyang pariwara


cyberbully

Tuesday, October 2, 2012
freedom equated to power isn't freedom at all

where is the democracy that you keep on boasting about?

SHAME

Of cosplay and Ferris wheel

Saturday, September 29, 2012
like a piece of jigsaw
that fits perfectly
with the contour
of its surroundings

yet

glaringly disrupts
the whole picture
for its
disparate
lines and colors

as if it is a black smudge
in a pristine silk robe
befitting a king

THANK YOU Seane, Derrick, Gelo, Felise, Rocielle

Wednesday, September 26, 2012


Paano maipapakita na ika'y masaya
Kung ang ngiti’y pangkaraniwan, laan sa madla
Di ba’t masmainam kung labi’y mapagtimpi
At siyang damdaming dakila ang babakas sa bawat ngiti

Ngunit sa mga matang mababaw  mistulang manhid
Ang ‘di pag ayon sa nais mabatid
Sa gusto’y ninanasang masapit
Sa ayaw ay pinipilit ang pagpikit
 

There's no life I know to compare with pure imagination


http://www.youtube.com/watch?v=rhaYvHf9fVM

In a nutshell, On Frequency, & Of Uniqueness

Monday, August 20, 2012

Why Does it Take a lot
To be Concise
While it Takes so Little
To avoid The point?

Wouldn’t A fact
Be More reassuring
If it is Commonplace
Rather than Being Unusual?

‘Exceptional’
 isn’t really a good Synonym for
‘Excellent’

Reaching You

Sunday, August 12, 2012

Luha
Bago pa man mabuo
Sa hangiy tuluyang tumungo
At tumaas ng tumaas
Sa kalangitan
Hanggang maging
Abuhing  ulap
Tangan tangan
Itong ulan
Na sanay
Maski isang patak
Sa pisngi mo'y humalik
Habang umiidlip
Ang mapangakit
Na bahaghari

Paranoia

Friday, October 28, 2011
the chains that bind
hold the feet no longer
yet with every step
the ringing, the clashing
echoes on forever

Out of nothing 2

Monday, October 24, 2011

Letrato
Halos lahat na yata ng tao ay nagmamayari ng kamera. Ganun ba talaga kahalaga ang mga letrato para sa mga tao? What’s in a picture? The colors? The faces? The sceneries? Kung sabagay, kung saan mang letrato ka involved at makakarelate, may makukuha ka nga namang frozen memories. Bahal na yung utak mo na mag defroze nito, at paglaruan ang mga sandaling lumipas na. Sa huli, paggunita din pala sa nakalipas ang gamit nito, puwera na lang sa tunguhing pang komersyal. Mauuwi din pala ang lahat sa napakaklasikong pagiisip na tumutumbok sa kahalagahan ng ‘kasaysayan’. Yun nga lang, lahat ba ng letratong na i-develop, nasa computer, o nasa memory stick ay may ‘saysay’. Isa pa, kung sa bawat oras na lumilipas ay meron kang letratong magpupugay sa iyong makulay na buhay, will the pictures then still serve their purpose? Para san pa ang pag re-reminisce kung wala ka namang ire-reminisce? Naaalala ko tuloy yung diary ko nung grade school pa ako. 'Nung umaga, kumain ako. Nung tanghali, kumain ako. Nung gabi, kumain ako tapos natulog na.' Sa next entry, ganun ulit yung nakasulat. Dinaan ko nga lang sa stickers yung diary na yun e.

Halfway There

Sunday, October 23, 2011




Two down, another two to go.

Karinate Star

Friday, October 21, 2011
Karina,

Do you know what carina is? It's a sternal bone in birds. It helps the birds in their flight, providing leverage. Some birds don't have it, that's why there are flightless birds.

Carina is also a constellation. It has the second brightest star in the night sky, 'Canopus'.

http://www.outerspaceuniverse.org/media/carina-nebula-wide-view.jpg

There may be shooting stars... But there's also a 'Flying Star'...

Once and Nevermore

Wednesday, October 19, 2011

Walking in a shoreline trodden by tears
Makes it not a wonder
Why the sea is salty
And sometimes even bitter.

With every step
It disappears behind
Leaving not a trace
To grace the memory of time.

To think
Of what came before
This filthy pair of feet
Of the thousands that drowned.

Makes it a wonder
Why the ocean
So calm and serene
In dusk’s full grandeur.

Flashback

Saturday, October 15, 2011

This is a picture of the roof inside the room where I stayed in while boarding in my previous boarding house. This part of the roof is exactly within the area above my bed (its a double deck bed and mine is the top one). Whenever it rains, I get soaked. It started with little drizzles but it eventually worsened, ending up like a kid's flowing urine (it's also yellowish since the roof is old and dirty). Fortunately, the water ends up only in one end of the bed and not in the middle. I just huddle myself up to avoid getting wet when it rains. My landlady knows about it, but never really did anything about it. She just told me to switch rooms whenever it rains. But I never did so since I find it a hassle, especially since I'm a student and I don't like to move my things back and forth as rain starts and ends.

people come and go

Thursday, August 4, 2011
today i'll greet hello
tomorrow you'll bid goodbye
like a gush of wind
in the stillness of the night

The necessary is already sufficient

Tuesday, April 19, 2011
'We must cultivate our own garden.'

But in doing so, the extent of our gardens must first be quantified in terms of what is just. A man needs only to maintain a plot of land that would be enough for him to sustain his life. Acquisition of a far more larger land would only degrade his own existence; the land must serve the man and not the other way around. One need not carry more than what his back can support.

"Sa bawa’t latay kahit aso’y nag-iiba.
Sa unang latay siya’y magtataka.
Sa ikalawa, siya'y mag-iisip.
Sa ikatlo, siya’y magtatanda.

Sa ika-apat, humanda ka!"

- Edgardo M. Reyes, Sa mga Kuko ng Liwanag

The Earthshaker

Wednesday, March 30, 2011
Hubad na paa'y sa aspalto tumaghoy
Kung saan tutungo ay 'di matukoy
Malamlam na mata'y naglalaro, nagahahanap
Minsa'y napahihinto, tumatanaw sa alapaap

Daang mapagparusa'y tigib sa babala
Kung saan dapat huminto, kumanan, o kumaliwa
Walang pagaatubiling mga paalala'y sinundan
Nagbabakasakali, baka may masumpungan

Hanggang sa pagkakatulog ay biglang nagising
Hiyas ng kamalayan, nanumbalik ang ningning
Nang matunghayan, anghel na luwal ng langit
Tagpi-tagping pangarap ay tuluyang nakamit

Ngunit sa isang tibok ay unti-unting kumupas
Imahe ng pag-asa, sa kilapsaw na wagas
Sa pinid na talukap luha'y pumuslit
Pagpatak sa paa, mga sugat ay nagngalit

Sa paghalik ng langit sa lupa, daan ay nagsanga
Napadungaw sa likod at nagpalingalinga
Paglantad ng katotohanan, balahibo'y nagsitaas
Duguang kalsada, pumpon ng mga rosas

All that we see or seem Is but a dream within a dream. (Poe)

Tuesday, March 29, 2011
Edgar Allan Poe
(1809-1849)


A DREAM

 In visions of the dark night
I have dreamed of joy departed-
But a waking dream of life and light
Hath left me broken-hearted.

Ah! what is not a dream by day
To him whose eyes are cast
On things around him with a ray
Turned back upon the past?

That holy dream- that holy dream,
While all the world were chiding,
Hath cheered me as a lovely beam
A lonely spirit guiding.

What though that light, thro' storm and night,
So trembled from afar-
What could there be more purely bright
In Truth's day-star?

http://www.poetryloverspage.com/poets/poe/poe_ind.html
http://www.literaryhistory.com/19thC/Public_Domain_Photos/Poe.jpg

Bawal Magtinda sa Bangketa

Nangyari na naman ang pinaka-iniiwasan. Kung kailan ka pa naging komportable at palagay, saka naman agad-agad ang pamamaalam. Mahirap tanggapin na sa isang iglap ay maglalaho ang lahat, tulad ng isang matingkad na panaginip na hindi na maalala sa pag mulat ng mga mata. Hanggang sa gunita na lang muling magkikita, gunitang unti-unting malilimutan sa bawat pag pitik ng mga segundo.

Sa pag halik ng luha sa lupa, isang bulaklak ang uusbong na siyang magiging saksi sa nalimot na kahapon.



Hanggang kay Belldandy na nga lang ba talaga ako? Maski sa imahenasyon ay may kaagaw pa...

Failed Attempt to Tulang Pambata

Saturday, March 19, 2011

RESES

Isang taon na akong nakaupo

At sinasapot na din ako

O kay bagal ng mga minuto

Gaano katagal ang isang segundo?


Ako’y hilong-hilo na

Sa sakit ng aking ulo

Hindi ko na matatagalan pa

Ang giyera sa loob ng tiyan ko


(lilingon sa orasan) Ay!

Sampu…siyam…walo…pito…

Anim…lima…apat…tatlo

Dalawa…isa… kriiiiiiing!

Takbo!

Eleanor Rigby

Where do they all belong?

Sorry guys... Just wait for the results... that is if you care.

Sunday, March 13, 2011
I do have this gift for spoiling things... and breaking bonds.

Wow.

Better steer clear from me.

No strings attached

Saturday, March 12, 2011

Although for the most part the reason why I can’t socialize well with the opposite sex is due to my shyness and their unpredictable minds, it can also be blamed for my tendency to get too attached. If sympathy from me can be easily won even if it entails harm to myself then how much more could it take to gain my affection? In the end, it’s me you’ll find hurting.

Ang Pakikipag-sapalaran ni Eks sa Loob ng Kaloob-looban 3

Nagkataong si Eks lamang ang libre sa araw na iyon. Kailangan na ring matapos ang kanilang gawain sapagkat malapit nang matapos ang semestre. Alas tres ang usapan kaya naman mga 1:45 ay nilisan na niya ang unibersidad. Habang siya’y nasa biyahe ay naglalaro na ang kanyang imahenasyon ukol sa nahaharap na gawain. Mas bata naman sila sa kanya kaya okay lang…

Hindi pa nga din niya gaanong kabisado ang ruta ng kanyang pakay. Nang naging mukhang pamilyar na ang paligid ay pumara at bumaba na siya sa dyip. Hindi pa pala doon ang kanyang pakay. Naglakad muna siya, sa palagay niya’y malapit lang naman. Kainitan na nang mga oras na iyon. Overpass lang ang tanging marka na naaalala niya na malapit sa kanyang patutunguhan. Ilang overpass na din ang nadaanan niya at wala pa rin siya sa kanyang patutunguhan. Sa pag-iisip na malapit na lang ang kanyang lalakbayin, hindi na niya gaanong napansin ang kalayuan nito. Mainit, naglalangis na ang kanyang mukha.

Ilang saglit pa ay bumakas na ang ngiti sa kanyang mga labi, natatanaw na niya ang kanyang sadya. Tinignan niya ang kanyang relo at nabatid na maaga-aga pa siya sa itinakdang iskedyul. Tumungo muna si Eks sa isang restawran upang kumain at magpalimig. Wala nga talaga sana siyang balak mananghalian.

Nang makakain at makapgpahinga ay tumungo na siya sa kanyang pupuntahan. Nang makapasok sa loob ay hinugot niya sa kanyang bulsa ang kanyang naghuhumikahos na selepono. Kailangan kasi niyang ipaalam sa taong tutulong sa kanyang maisagawa ang gawain ang kanyang pagdating. Hindi kasi siya gaanong pamilyar sa lugar maski pangatlong beses na niya dito. Hindi pa rin niya alam kung saan sila magkikita.

Laking gulat lang ni Eks nang makita niyang ubos na ang baterya ng kanyang selepono. Binalot siya ng kaba at tuluyang nataranta.

Pagkamalas-malas nga naman.

Itutuloy…?

Premature Farewell

Friday, March 11, 2011
How do you measure a man?
Is it by the inch, yard, or foot?
How do you weigh a soul?
By ounce? Or pound perhaps?

Let him die! Be consumed by earth,
For his end is his ultimate measure.
Let his dust be blown across the sea,
For his weight doesn't rest on earth.

Killing Time with Nonsense

Thursday, February 10, 2011
Masayado na yata akong sinuswerte sa buhay. Kahit katabi ko na ang kamalasan ay kumakapit parin ang suwerte sa akin. Siyempre masaya ako sa ganitong kalagayan, ngunit sa palagay ko'y pinaglalaruan ako ng tadhana.

Gusto ko kasing makita si Bell. Pero sa mga malas na tao lang siya nagpapakita.

Kung sabagay, kathang isip lang naman kasi si Bell... yun ay kung tatanungin mo ang mga matitinong tao. Kaso hindi ako matino, at buhay na buhay sa aking isip si Bell. Alam ko na totoo siya, maaaring sa ibang dimensiyon lang siya nabubuhay.

Sapat ba ang aking paniniwala upang masabi ko na totoo nga si Bell?

Ayon sa jtb ni Plato, knowlegde requires justification, belief, and truth. Belief... iyan ang pinanghahawakan ko. Truth... nakikita ko naman si Bell sa tv at manga, ok na kaya yun? Justification... pano nga ba? Kung externalist ako, di ko na kailangan yun basta may lawful connection between the belief and circumstance.

Nag e-exist nga si Bell, pero as fiction lang (tv and manga). Puwede ba yun? Nag e-exist na fiction? Anyway, ang gusto ko kasing sabihin ay totoo si Bell as a true being. Problema nga lang, Goddess si Bell. So pano na? Sa clear and distinct idea na lang ba ako mag a-appeal?

Ewan ko... basta kulang pa naman hanggang ngayon yung jtb e, baka pag lumabas na yung 4th requirement for knowledge, medyo malinawan na ako.

Im justified in believing my belief because i believe that i believe in my belief, belief being a form of thinking.

ostensive crossroads found in a chair

Thursday, February 3, 2011
sanay manumbalik
ang liksi ng kahapon
panahong nakaligtaa'y
gisingin sa pagkakatulog!
ala-alang iniwan ay
hiyas na nagniningning
na siya magsisilbing gabay
sa landas na tatahakin...




Bukas nalang ulit mangarap

Friday, January 21, 2011
Umuulan nanaman ulit. Lumuluha muli ang alapaap. Nakikisimpatya sa lungkot na nadarama ng mga bilanggo ng isang maksalanang mundo. Wari'y nais linisin at ianod sa dagat ang dumi na bumabalot sa bawat nilalang. Nariyan upang magbigay ng pagasa.

Ngunit huli na ang lahat. Lumubog na ang araw.

Paano pa matatanto ang dulo ng bahaghari?

goodtimes...oldtimes

Tuesday, December 14, 2010
It's been a while... Setback?
Notebooks are still way better than blog posts.

New dreams, new inspiration, new love, yet same old self.

The universe will bow down to a goddess...

Fullhouse

Thursday, September 16, 2010
It's not the group's fault, never was and never will. Besides, I started everything with the wrong foot forward. But I do hope to end it all with the right step.

Right now, I still don't know what to do. It seems that I've ran out of luck. I'm very thankful though that my parents are very supportive of me, even if I'm old enough to think for myself. I do know that this can't go on forever, I'll need to learn to stand on my own feet and make firm decisions with the will to face the consequences.

Somehow I still can't confess what really is troubling me. I'm ashamed of my problem because it seems too trivial from the surface, but it delves deeply within.

I also find it disturbing that I feel longing for a friend these days. I've spent almost my whole life as a recluse, closing my ties within the family.

Dance in this world of miracles?

pagiging Batang 'X'

Sunday, September 5, 2010
Unti-unti akong nahihigop sa isang mundong gawa ng imahenasyon. Isang mundong tila perpekto, at kung magka problema man ay kaagad nareresolba. Bawat araw ay nagtatapos ng may ngiting mababaksa sa mukha ng bawat karakter sa isang kuwentong mapagparaya. Isang mundong nakapaloob sa maliit na espapsyo sa aking ulo.

Ito siguro ay isang pananggalang sa malamlam na realidad ng aking buhay. Ang katotohanan ay nagiging mapanglaw dulot na rin ng aking katauhan, personalidad, at paniniwala.

Sa pagidlip lamang natatamasa ang kasiyahang walang bahid ng malisya. Lantarang naihahayag ang mga saloobin at tunay na nadarama.

Minsan tuloy ay naitatanong sa sarili, panaginip ba o realidad?

Sa ngayon ay hindi pa din ganap sa aking isip kung ano ang mas matimbang, mas makabuluhan, at mas mahalaga.

tower defense

Thursday, August 12, 2010
Pasensya na Kester, Niki, Gian, Pearl, Karl, at Daryl.

Ako yung nagpalubog sa bangka. Nakalimutan ko kasing pasakan yung butas. Nahirapan tuloy kayong tanggalin yung tubig sa loob ng sinasakyan natin, habang nakikipagsagupaan tayo sa malalaking alon. Takot na rin ako noon. Buti na lang nailigtas niyo ako noong bumigay na ang ating bangka, di rin kasi ako marunong lumangoy.

Pasensya na kung akoy naging pabigat sa inyo.

Di ko nga maintindihan kung bakit napakainit nang gabing iyon. Nagmistulang araw ang buwan, nanlilisik ang tingin sa walang kalaban-labang nilalang. Umuulan pa sa lagay na iyon.

Tulong?

Wednesday, August 11, 2010
TANG INANG HIYA YAN!

sorry for the choice of words...
di naman ito nagsusugat.

Sa Susunod Agahan Ha!?

Kung ang paguusapan lang naman ay 'takdang oras', masasabi kong hind ako nagkukulang dito. Ang aking relo ay advanced ng 30 min at madalas din akong pumasok sa klase ng 30 min bago pa man ito magsimula (oras ayon sa aking relo). Ayaw na ayaw ko na mahuli sa kung ano mang miting, maski alam ko na wala naman talagang sumusunod sa itinakdang iskedyul. Sa totoo lang, ayokong maging pabigat sa mga taong kailangan kong makasalimuha.

Gayon man ang aking disiplina, hinahatak naman ako pababa ng aking matinding 'HIYA'. Maski alam ko na kailangan nang aksyonan ang isang bagay, madalas ay hindi ko naipaparating ang aking saloobin. Hindi ko magawang lapitan at kausapin ang aking mga guro, kaklase, kagrupo, o mga kaibigan.

'Sa susunod agahan ha!?' Simpleng mga salita, ngunit para sa akin ay nakakababa ng morale.

Ayaw ko kasing makasakit ng aking kapwa kaya hanggat maaari ay di ako nakikisalamuha. Gayundin, lagi kong hinahanap hanap ang 'feeling of belongingness' sa anumang grupo na aking mapasukan.

Tae. Ayoko ng ganito.

Efficiency at its best

Sunday, July 11, 2010
http://www.chappo1.com/images/Ring%20Tail%20Possum%20A1.jpg

Ring Tail Possum

trying to smell what's cookin'

going too far... way too far...
passion? lust?

enjoy as much as you can
while things are still kept low.

no loud bangin' please... ha ha
i still have a test to work on.

goodluck!

spring cleaning

Monday, June 21, 2010
I wallowed in shit for too long, now it's hard to clean up. The stain is stuck firmly and may never be washed off. My sight has been blinded by the dirt all around me, making it hard to get out of this slump. I can no longer afford to stay in this condition for I have lagged so far behind and life has outrun me and is no longer within reach. I can no longer fix this up, my only option is to find a way to escape.

In every step I take, shit trails behind me...
Wherever I go, the stench follows...

I walk in shame, carrying my past.

lipad ipis lipad

Saturday, April 24, 2010
http://img.photobucket.com/albums/v431/drunken_enchanter/ipis.jpg


kung ang iyong mundo'y sadyang maliit at kulang,
ilantad mo ang iyong mga pakpak at tuluyang kumawala.
lampasan mo ang rurok ng kamalayan at magpatangay ka
sa ihip ng kawalan... at abutin ang iyong mga panagarap...
SA ISANG PANAGINIP.

Repressed thoughts

Thursday, April 22, 2010
S,

I know that you're having a hard time trying to work out things with me. I'm sorry but I just couldn't help being ME, being shy, lackluster, and timid. I am simply an introvert, as you would have noticed already.

I don't want you to get the wrong picture; even if it doesn't show, I do enjoy your company and I really appreciate the way in which you are reaching out and taking the initiative.

The thing is, I am not really good at socializing. Especially towards a GIRL like you. I always (er... often) find myself dumbfounded when it comes to interacting with the opposite sex. I really don't know why. I work better with boys (I can relate easily).

Girls really are incomprehensible. Well... at least for me... for the mean time.

I know that you're mad at me right now, I can't blame you for this because PARTNERS should work together and have some kind of unity.

I am sorry for not being a good partner.

I hope that you wouldn't get TIRED of me. I admit that I need you more than you need me.

Sincerely yours,
-------X--------

P.S. You are really nice in a lot of ways. :)

I can't believe this... ha ha (hu hu hu)

Saturday, March 20, 2010
http://davidbix.byethost32.com/wp-content/uploads/2009/09/CM-Punk.jpg

---------------------------------------

and here's another one:

http://www.youtube.com/watch?v=vh1f9I-Mlao

5

Kumakalasing
Na singkong duling
Ano mang giting
Tuluyang mapra-praning

Ampaw

Saturday, March 6, 2010
Nasisiraan na naman ako ng bait. Kumawala muli ang diwa sa aking katawan, naliligaw sa isang panaginip...
-------------------------------------------
Halos hindi ko na namamalayan ang mabilis na paglipas ng panahon. Akala ko'y isa pa rin akong musmos na nangangapa sa landas ng buhay. Hindi na talaga ako lumaki... Hindi na rin natuto...

Nagpapaanod lang ako sa hangin, walang pakialam kung saan man ako mapadpad.

Bakit ba ako ganito? Sa ngayon, isa lang ang aking natitiyak: kung hindi ako magbabago ay wala akong patutunguhan.

Hangang panaginip na lang ba ang saysay ng buhay ko? May pagasa pa bang makawal ang kaluluwa kong nakagapos sa mundo ng kawalan?

Punong-puno ako ng pagsisisi, pagsisisi sa mga bagay na nagawa ko sa nakaraang panahon. Alam ko naman na ang kasalukuyan ay siyang nagiging nakaraan.

Hindi ko pa talaga kilala ang aking sarili.
------------------------------------------
Ang katuturan ng buhay ay nakabase sa kasaysayan.

New Home

Friday, March 5, 2010



Mine is the top bed.

Proxima Centauri

I really am an idiot

A sentiment kept in silence is like a vivid dream. A dream that feels so real as if it is reality itself. Bright like the rays of the morning sun, full of joy and bliss, not anticipating the coming of sunset.

But it is a dream that is completely lost upon awakening, never remembered.

A sentiment kept in silence is a foolery of one’s self. It is selfishness that brings anxiousness and a sense of isolation. It imprisons the self away from life, making reality a mere blur.

Ang Pakikipag-sapalaran ni Eks sa Loob ng Kaloob-looban 2

Disyembre 2009, unang linggo

Malapit na ang bakasyon noon, kaya naman mababakas na rin ng bahagya ang saya sa mukha ni Eks. Ngunit may bumabagabag pa rin sa kanyang isipan. Kinakailangan niya nang maghanap ng ibang matutuluyan sapagkat paaalisin na siya sa boarding house na kanyang tinitirhan, dahil maski ang may-ari nito ay pinaaalis na rin. Hindi pa niya alam kung ano ang dahilan, basta ang nasa isip niya lang ay kung saan siya lilipat. Tumingin-tingin si Eks sa mga ads na nakapaskil sa mga poste at bulletin boards tungkol sa bedspace for males, halos lahat ng nakita niya ay for females. Sa kanayang paghahanap, dalawa lamang ang nakita niya na panglalaki. Tinext niya agad ang mga nakuhang numero ngunit isa lang ang nagreply. Natuwa naman siya dahil saktong sa loob din ng unibersidad ang bedspace na maaari niyang lipatan at mura din ang renta sa halagang 1,500 kada buwan. School week nang nag text siya kaya sabi niya sa nagpapaupa na dadaan na lang siya ng Sabado. Nang dumating ang Sabado, ginawa niya muna noong umaga ang kanyang nakagawiang paglilinis ng mga gamit, kaya noong hapon na lang si Eks naging libre upang puntahan ang nasabing paupahan. Nagtext muna siya sa nagpapaupa na pupunta na siya sa kanila. Nadismaya si Eks sa tugon na kanyang natanggap, may nauna na daw na umupa at nakapagbayad na ito. Pasensya na lang daw.

Nginitian na lamang niya ang sarili…

May roommate si Eks, at maski ang roommate niya ay naghahanap ng malilipatan. Ilang araw na lang at bakasyon na pero hindi pa si Eks nakakahanap ng malilipatan. Buti na lamang at nakahanap na pala ang roommate niya at niyaya nito si Eks na tignan ang lugar. Tinext ni Eks ang magulang niya ukol dito, at pinayuhan siya na mag-downpayment na para kahit papaano ay may sigurado na silang malilipatan at di na sila mamroblema sa pasukan.

Nagpunta sila Eks sa bahay na kanilang titignan at nagdala nga siya ng perang pang downpayment. Sa labas pa pala ito ng unibersidad at kinakailangan pang mag dyip upang makarating dito. Ilang sandali lamang at nakarating na sila sa kanilang pupuntahan. Matayog ang paupahan na ito na binubuo ng limang palapag. Sa bawat palapag, maliban sa pinakababa (ito ang lugar ng may-ari), ay iisa lamang ang kuwarto. Matarik at maliit ang hagdanan na inakyat nila. Sa ikalawang palapag lamang mayroong kuwartong pangdalawahan, ngunit may nakaupa na dito (nagkataon pa na kakilala ni Eks ang taong ito, at babae nga pala siya). Palilipatin na lang daw ng may-ari ang babaeng border sa ikalimang palapag kung lilipat sina Eks sa boarding house na iyon. Naalala ni Eks ang bilin ng kanyang magulang na mag down na, ngunit nahihiya siyang sabihin iyon sa kanyang roommate. Hindi na nga niya nasabi ito, hanggang sa umalis na sila. Ang sabi ng roommate niya ay maaaring dun na lamang sila tumira kung wala na talagang silang makikita pang ibang puwedeng lipatan.

Kampante na si Eks sa sitwasyon. Sa loob-loob niya ay mayroon na siyang puwedeng lipatan kaya hindi na siya maghahanap pa ng iba. Ayos na iyon sa kanya…

Ika- 31 ng Disyembre, bisperas ng Bagong Taon 2010

Di-mapakali si Eks. Punong-puno na siya ng takot at pangamba. Naisip na naman niya ang konsepto ng time machine.

Masama ito…

Nalaman ni Eks na hindi pa pala payag na lumipat ng kuwarto yung border na nasa pangdalawahang kuwarto. Tinetext niya ang kanyang roommate, ngunit para bang…

Tinext rin niya ang may-ari ng apartment ngunit…

Hindi na niya malaman kung ano ang gagawin. Siguradong pagagalitan siya ng kanyang mga magulang pag nalaman nila ito. Ngunit kung mananatili naman siyang tahimik, wala siyang titirhan para sa pasukan.

Hapon na noong nagkaroon si Eks ng lakas ng loob na sabihin sa kanyang mga magulang ang MALAKING problema. Tama ang kanyang hula, PINAGALITAN nga siya.

Hindi man dumurugo ang mga salita,

dinidikdik naman nito ang kaluluwa.

Ang pinakamapait na luha,

ay siyang hindi bumabaha.

(Sa mundo ng mga manloloko, kailangan ikaw din ay mangloko upang di ka ma-gago.)

P.S. Nakahanap ang magulang ni Eks ng boarding house na kanyang matutuluyan na mas-maganda pa kaysa sa dati niyang tirahan.

ar er

Thursday, January 7, 2010

How stretched is far

My feet, will it mar

If it does, I’ll scuffle against tar

As long as your safe in your car.

How long is forever

Will it still come or never

If it does, what comes after

It won’t really matter, I’ll still be your...

very late... retarded

I am about to be kicked out of my niche.

I need to find another place to stay in. The horror of starting all over, considering the problems entailed: looking for a viable place, packing, moving, adapting, and worst of all, struggling for ‘belongingness’.

Goodbye to my good old room. The past two years were wanly, therefore fun.

Paalam babae sa loob ng aking kabinet, sana’y hindi mo makalimutan ang ating pinagsamahan.

It’s time to turn over a new leaf.