Para sa bayan!

Monday, May 11, 2020


Effortless


Grabe... mag hahating gabi na ayaw pa din ako dalawin ng antok. E ang huling inom ko ng kape ay mga alas singko pa ng hapon. Duty pa naman ulit ako bukas. Lagot na naman. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kung kelan kailangan ako gising saka ako sobrang inaantok at kung kelan ako dapat tulog siya namang sobrang ligalig ng diwa ko. Ang nakaka shookt pa niyan e kahit ilang kape inumin ko pag nasa ospital ako e di ako tinatablan at lalo pa nga yata ako hinehele ng antok. Isang kabalintunaan... ako ay isang kabalintunaan. My mind is a mess, obviously. But I'd rather not dwell much on it and dig a deeper hole for myself. Bahala na si Brahms... 10 hours na Brahms para sa kinabukasan. Ako ay matutulog di para sa sarili ko kundi para sa bayan. Para sa bayan!



0 comments:

Post a Comment