Uwak

Friday, December 14, 2012
 http://media.lunch.com/d/d7/384334.jpg?2 


Napakahirap idaan sa salita ang dapat pinapakita sa kilos o gawa. Ang pagkatuwa ay mas matatanggap ng iyong kapwa sa pamamagitan ng iyong pag ngiti kaysa sa simpleng pagsambit nang mga salitang nagpapahiwatig ng iyong kasiyahan. Gayundin ang lakaran sa iba pang mga emosyon, mas makabuluhan kapag epektibo ang iyong pagpaparadam gamit ang ekspresyon ng mukha at kilos ng katawan. Tulad lang din sa isang pelikula, walang kwenta kung maganda lang ang script, dapat mahusay din ang mga gumaganap na aktor.

Ang masklap pa, kung hindi mo na nga kayang ipakita sa pagkilos at sa ekspresyon ng mukha ang iyong nadarama, ay di mo pa din kayang idaan ito sa mga salita. 
---------------------------------------------------------------

Di na talaga ako makaahon sa lumbak na ako mismo ang humukay. 

Kumakatok na naman sa aking pintuan ang 'matalik kong kaibigan'. Di ko alam kung bubuksan ko ang pinto, sa totoo lang kinikilabutan ako sa tuwing maririnig ko ang kanyang pagkatok. Gayun pa man, siya lang ang tanging bumibisita sa akin, parang siya lang ang nakauunawa sa akin. Pero takot ako sa kanya...  

Sepilyo Ni Marie Antoinette

Wednesday, December 12, 2012


akoy isang maninisid
habang pumapalaot
ang apat na palasong pilak ni Artemis
ay siya namang aking babaybayin
ang magpagpalayang bukal
na hitik sa mga toreng garing
upang magbahagi ng salbabida
sa mga hapong diwa
na pinalakad sa tablon
at nilunod ng bawat paghikbi
ng mga nagluluksang nimpa

pagkayari namay
akoy magiging marino
at maglilingkod sa barkong
maghahatid sa lupang pangako
na sa paglalayag sanay gumuhit
ng mga bakas sa mapa ng kahapon
at magsilbing gabay
sa mga sususunod na maaakit
maliligaw at malulunod
ng mapanlinlang na pagawit
ng mga sirena

Cutie Cutie Chewing Love

http://www.youtube.com/watch?v=Afwu4a8FtTo

Mas magaling pa din ang pon pon way way, pero 'cutie chewing love'? saka 'sweetie sweetie girls love'?

kendi at pagibig
di naman kasi lahat ng kendi ay matamis
di lahat ng kendi ay makulay
may matigas, may malambot
may mabilis maubos, may mabagal maubos
kaya lang, kung minsan nakakasawa din ang kendi
nakakasawa din ba ang mahalin?
ang magmahal?

San kaya makakabili ng ganung candy?  

Forsan et haec olim meminisse iuvabit

Monday, November 19, 2012
ANG BAGOONG

Nakakita man ako ng dalawang anghel nung sabado, di pa din ako tinantanan ng kamalasan.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gumastos ako para sa isang bagay na di ko naman kailangan at di ko naman balak na bilhin. Nakabasag ako ng bagoong na nakagarapon sa isang tindahan. Dahil sa nakalagay ito sa may gilid ng estante at dahil na din sa malaki kong backpack, nasagi ko ito ng di inaasahan. 80 pesos ay naglaho na parang bula, maski bula nga wala akong naabutan. Di ko naman pwedeng iuwi yung bagoong dahil kumalat na ito sa sahig at nahaluan na din ng mga bubog.

Eto yata yung bagoong na yun, pero di ako sigurado:
pan pak:
http://lifestyle.inquirer.net/58375/try-green-mango-sorbet-with-bagoong

naalala ko tuloy yung tilapia ice cream na kinuwento sakin ni Ken

Wala na. Wala.

Monday, November 12, 2012
tuwing nagpupulong
ang mga aninong
naglilihim
ang gabay ay tala
sa liwanag, di sakim

sabayan man ng pagtibok
ang pagindap
mata lang ang makararating
hangarin ng kaluluway
sanay masalamin

ngunit ng minsay
pakpak ay nawala
naging bulalakaw
bituin, sa pedestal
ay bumaba

sa paghalik sa lupa
nagmistulang bato
naglaho ang lahat
pati ang mga anino

ang nooy nagtatanglaw
ngunit tinitingala
ngayoy abot kamay
pero balewala

sa natitirang hiling
ano ang pipiliin?
ang mapasayo
o mapasakin?

-----------------------------------------------

Now is the spring of my discontent.






Here's looking at you kid!

Here's looking at you kid! - Helios

Kaya naman pala e. Haring araw.
Just got sideshowed.

Wala na.

Wala.

Have You Seen Her - Chi-lites

Sunday, November 11, 2012


https://www.youtube.com/watch?v=xVYxKRXDT2I

May Kumakaway

Wednesday, November 7, 2012
sa pagkumpas
ng iyong kamay
ito ba'y nagbabadya
ng pagtikas
kung 'di ay pagyuko
ng gintong mirasol
at sa pauli-ulit
na pagpihit nito
sa iyong braso
ikaw ba'y naglalaan
ng isang sulo
o tumatawag ng ulan
sa gabing
binabalot ng katahimikan
hanggang sa inaasahang
paghinto at pagtikom
ng iyong palad
hawak hawak mo kaya
ang inalay na hiyas
na sinungkit
sa kalangitang pininturahan
ng nagpapaalam na araw

Bus 3

Monday, October 22, 2012
TIC TAC TOE


Akoy namamangka
Sa ilog ng aking isipan
Sa bawat paghampas ng sagwan
Siya naman ang galit na pagsambit
Ng tubig - Ang tanging tunog na maririnig
Sa nakabibinging katahimikan

Hindi matanaw ang hangganan
Hindi rin alam ang sinimulan
Basta nalamang namulat
Sa mapanglaw na nakatotohanan

Sa poot at lungkot na nadarama
Para kanino kaya
Ang luha na dumadampi
Sa maputlang pisngi
Para kaninong tenga kaya
Humihiyaw ang pusong
Di makapagtimpi

Wala nang nasang magpumiglas
Ang nakagapos na mga paa
Sa tanikalang kalawangin

Ang mga mata'y sanay na
Sa nakasisilaw na kadiliman
At ang katawan ay di na iniiinda
Ang nakapapasong ginaw ng katotohanan

Maski ang sariling paghikbi 
Ay di na madinig
Takot na tumingin sa tubig
Pagkat baka magulat at magtaka
Di makapaniwala
Di makilala
Ang imaheng masisilip
At tuluyang mabaliw
------------------------------------------------------------------

Never had a field trip that I really enjoyed.

Masyado kasi akong spoiled, kumbaga kailangan talaga dapat may magsubo muna sakin bago ako kumain. Para tuloy wala akong natutunan sa UP, nakakahiya. Kahit ayaw ko, palagi akong napipilitang bumalik sa sarili kong mundo. Noong pre school ko pa binuo yung mundong iyon, hanggang ngayon pa ba naman di pa din ako makagraduate at tuluyang makalaya. I'm already old and not getting any younger. Lumalaki lang talaga akong paurong. Lotus flower... hanggang kailan ka ba magtatago? Hoy susi, pag nakita kita, the first thing I'll do is to duplicate you. Hirap ng nawawalan ng susi. 

Betcha By Golly Wow

Sunday, October 21, 2012
http://www.youtube.com/watch?v=eOByk8N0TXw&feature=fvwrel

welchallyn

Wednesday, October 17, 2012


Hintayin ang hating gabi
Kung kailan ang mundoy humihimbing
At ang buwan at mga tala lamang
Ang siyang magiging saksi

Lumusong sa dagat
At pagurin ang sarili
Sa unti-unting pagsisid
Sa kaibuturan ng karimlan
Isang hangganang di makakamtan

Kung lupaypay na ang buong katawan
Ay humiyaw ng malakas
At ilabas ang lahat ng luha
Maski pawang wala namang nangyayari
Maski wala nang nadarama

Hayaan ang diwa
Sa kataway panandaliang kumawala
At sumayaw sa malungkot
Na himig ng pagiyak
Ng iba pang mga nalulunod na nilalang

Sa pagmulat ng mga mata
Kataway sa dalampasigan
Ay naianod na
Upang muling ipagbunyi
Ang bukang liwaway

(At sa nahaharap na hating gabi
Kung kailan ang mundo'y humihimbing
At ang buwan at mga tala lamang
Ang siyang magiging saksi
Ay muling magpalunod at magpaalon
Sa silakbo ng damdamin)

Hot streak

Tuesday, October 16, 2012
Lost three of them just this sem. The sad thing is, they're all tresses.

Harlem Nocturne

Sunday, October 14, 2012
http://www.youtube.com/watch?v=v1yYJc1_LMU

Trench coat, felt hat, and the good ol' magnifying glass.

Magic Temple

Saturday, October 13, 2012
 http://www.youtube.com/watch?v=Pcx59bTqLyY

"anong dapat mong gawin sa buto para tumubo?...
...pakawalan mo muna, buksan ang iyong palad at ihulog sa lupa"
 - Jubal (Magic Temple)

Surge Fist



Words need not slip from your lips
For your beckoning smile
Enthralls even the astral angels
How much more then
Is it for a mere mortal to resist?

Of the truths in this world
Only of your beauty is unfazed
Forged from the extremes, fire and ice
Such unworldly jewel
That gods themselves desire

Hair that blankets the night sky
Eyes that illuminate the day
You who make eternity stop
Incarnating the heavenly skies
Making dawn and dusk unite

If to gaze upon you is a sin
Then let perdition upon me befall
This feeble body may rot and perish
But my spirit, ever will hold
For my soul only with you can be at ease

Daisuki na kimi ni (Oda Kazumasa)


http://www.youtube.com/watch?v=0Fxn27V2Yhk

wind flower

One of the sanest lines I heard so far in school (coming from a girl):

"Niloloko lang natin sarili natin" or was it "Wag na nating lokohin sarili natin" (on answering an exam)

I forgot the exact words, but they're somewhere along those lines.

If you lack the knowledge, at least accept the fact that you are ignorant. Let your ignorance guide/motivate you in acquiring that knowledge you lack.