akoy isang maninisid
habang pumapalaot
ang apat na palasong
pilak ni Artemis
ay siya namang aking
babaybayin
ang magpagpalayang
bukal
na hitik sa mga
toreng garing
upang magbahagi ng
salbabida
sa mga hapong diwa
na pinalakad sa
tablon
at nilunod ng bawat
paghikbi
ng mga nagluluksang
nimpa
pagkayari namay
akoy magiging marino
at maglilingkod sa
barkong
maghahatid sa lupang
pangako
na sa paglalayag
sanay gumuhit
ng mga bakas sa mapa
ng kahapon
at magsilbing gabay
sa mga sususunod na
maaakit
maliligaw at
malulunod
ng mapanlinlang na
pagawit
ng mga sirena
0 comments:
Post a Comment