Uwak

Friday, December 14, 2012
 http://media.lunch.com/d/d7/384334.jpg?2 


Napakahirap idaan sa salita ang dapat pinapakita sa kilos o gawa. Ang pagkatuwa ay mas matatanggap ng iyong kapwa sa pamamagitan ng iyong pag ngiti kaysa sa simpleng pagsambit nang mga salitang nagpapahiwatig ng iyong kasiyahan. Gayundin ang lakaran sa iba pang mga emosyon, mas makabuluhan kapag epektibo ang iyong pagpaparadam gamit ang ekspresyon ng mukha at kilos ng katawan. Tulad lang din sa isang pelikula, walang kwenta kung maganda lang ang script, dapat mahusay din ang mga gumaganap na aktor.

Ang masklap pa, kung hindi mo na nga kayang ipakita sa pagkilos at sa ekspresyon ng mukha ang iyong nadarama, ay di mo pa din kayang idaan ito sa mga salita. 
---------------------------------------------------------------

Di na talaga ako makaahon sa lumbak na ako mismo ang humukay. 

Kumakatok na naman sa aking pintuan ang 'matalik kong kaibigan'. Di ko alam kung bubuksan ko ang pinto, sa totoo lang kinikilabutan ako sa tuwing maririnig ko ang kanyang pagkatok. Gayun pa man, siya lang ang tanging bumibisita sa akin, parang siya lang ang nakauunawa sa akin. Pero takot ako sa kanya...  

0 comments:

Post a Comment