welchallyn

Wednesday, October 17, 2012


Hintayin ang hating gabi
Kung kailan ang mundoy humihimbing
At ang buwan at mga tala lamang
Ang siyang magiging saksi

Lumusong sa dagat
At pagurin ang sarili
Sa unti-unting pagsisid
Sa kaibuturan ng karimlan
Isang hangganang di makakamtan

Kung lupaypay na ang buong katawan
Ay humiyaw ng malakas
At ilabas ang lahat ng luha
Maski pawang wala namang nangyayari
Maski wala nang nadarama

Hayaan ang diwa
Sa kataway panandaliang kumawala
At sumayaw sa malungkot
Na himig ng pagiyak
Ng iba pang mga nalulunod na nilalang

Sa pagmulat ng mga mata
Kataway sa dalampasigan
Ay naianod na
Upang muling ipagbunyi
Ang bukang liwaway

(At sa nahaharap na hating gabi
Kung kailan ang mundo'y humihimbing
At ang buwan at mga tala lamang
Ang siyang magiging saksi
Ay muling magpalunod at magpaalon
Sa silakbo ng damdamin)

0 comments:

Post a Comment