Ang Pakikipag-sapalaran ni Eks sa Loob ng Kaloob-looban 3

Saturday, March 12, 2011

Nagkataong si Eks lamang ang libre sa araw na iyon. Kailangan na ring matapos ang kanilang gawain sapagkat malapit nang matapos ang semestre. Alas tres ang usapan kaya naman mga 1:45 ay nilisan na niya ang unibersidad. Habang siya’y nasa biyahe ay naglalaro na ang kanyang imahenasyon ukol sa nahaharap na gawain. Mas bata naman sila sa kanya kaya okay lang…

Hindi pa nga din niya gaanong kabisado ang ruta ng kanyang pakay. Nang naging mukhang pamilyar na ang paligid ay pumara at bumaba na siya sa dyip. Hindi pa pala doon ang kanyang pakay. Naglakad muna siya, sa palagay niya’y malapit lang naman. Kainitan na nang mga oras na iyon. Overpass lang ang tanging marka na naaalala niya na malapit sa kanyang patutunguhan. Ilang overpass na din ang nadaanan niya at wala pa rin siya sa kanyang patutunguhan. Sa pag-iisip na malapit na lang ang kanyang lalakbayin, hindi na niya gaanong napansin ang kalayuan nito. Mainit, naglalangis na ang kanyang mukha.

Ilang saglit pa ay bumakas na ang ngiti sa kanyang mga labi, natatanaw na niya ang kanyang sadya. Tinignan niya ang kanyang relo at nabatid na maaga-aga pa siya sa itinakdang iskedyul. Tumungo muna si Eks sa isang restawran upang kumain at magpalimig. Wala nga talaga sana siyang balak mananghalian.

Nang makakain at makapgpahinga ay tumungo na siya sa kanyang pupuntahan. Nang makapasok sa loob ay hinugot niya sa kanyang bulsa ang kanyang naghuhumikahos na selepono. Kailangan kasi niyang ipaalam sa taong tutulong sa kanyang maisagawa ang gawain ang kanyang pagdating. Hindi kasi siya gaanong pamilyar sa lugar maski pangatlong beses na niya dito. Hindi pa rin niya alam kung saan sila magkikita.

Laking gulat lang ni Eks nang makita niyang ubos na ang baterya ng kanyang selepono. Binalot siya ng kaba at tuluyang nataranta.

Pagkamalas-malas nga naman.

Itutuloy…?

0 comments:

Post a Comment