The Earthshaker

Wednesday, March 30, 2011
Hubad na paa'y sa aspalto tumaghoy
Kung saan tutungo ay 'di matukoy
Malamlam na mata'y naglalaro, nagahahanap
Minsa'y napahihinto, tumatanaw sa alapaap

Daang mapagparusa'y tigib sa babala
Kung saan dapat huminto, kumanan, o kumaliwa
Walang pagaatubiling mga paalala'y sinundan
Nagbabakasakali, baka may masumpungan

Hanggang sa pagkakatulog ay biglang nagising
Hiyas ng kamalayan, nanumbalik ang ningning
Nang matunghayan, anghel na luwal ng langit
Tagpi-tagping pangarap ay tuluyang nakamit

Ngunit sa isang tibok ay unti-unting kumupas
Imahe ng pag-asa, sa kilapsaw na wagas
Sa pinid na talukap luha'y pumuslit
Pagpatak sa paa, mga sugat ay nagngalit

Sa paghalik ng langit sa lupa, daan ay nagsanga
Napadungaw sa likod at nagpalingalinga
Paglantad ng katotohanan, balahibo'y nagsitaas
Duguang kalsada, pumpon ng mga rosas

All that we see or seem Is but a dream within a dream. (Poe)

Tuesday, March 29, 2011
Edgar Allan Poe
(1809-1849)


A DREAM

 In visions of the dark night
I have dreamed of joy departed-
But a waking dream of life and light
Hath left me broken-hearted.

Ah! what is not a dream by day
To him whose eyes are cast
On things around him with a ray
Turned back upon the past?

That holy dream- that holy dream,
While all the world were chiding,
Hath cheered me as a lovely beam
A lonely spirit guiding.

What though that light, thro' storm and night,
So trembled from afar-
What could there be more purely bright
In Truth's day-star?

http://www.poetryloverspage.com/poets/poe/poe_ind.html
http://www.literaryhistory.com/19thC/Public_Domain_Photos/Poe.jpg

Bawal Magtinda sa Bangketa

Nangyari na naman ang pinaka-iniiwasan. Kung kailan ka pa naging komportable at palagay, saka naman agad-agad ang pamamaalam. Mahirap tanggapin na sa isang iglap ay maglalaho ang lahat, tulad ng isang matingkad na panaginip na hindi na maalala sa pag mulat ng mga mata. Hanggang sa gunita na lang muling magkikita, gunitang unti-unting malilimutan sa bawat pag pitik ng mga segundo.

Sa pag halik ng luha sa lupa, isang bulaklak ang uusbong na siyang magiging saksi sa nalimot na kahapon.



Hanggang kay Belldandy na nga lang ba talaga ako? Maski sa imahenasyon ay may kaagaw pa...

Failed Attempt to Tulang Pambata

Saturday, March 19, 2011

RESES

Isang taon na akong nakaupo

At sinasapot na din ako

O kay bagal ng mga minuto

Gaano katagal ang isang segundo?


Ako’y hilong-hilo na

Sa sakit ng aking ulo

Hindi ko na matatagalan pa

Ang giyera sa loob ng tiyan ko


(lilingon sa orasan) Ay!

Sampu…siyam…walo…pito…

Anim…lima…apat…tatlo

Dalawa…isa… kriiiiiiing!

Takbo!

Eleanor Rigby

Where do they all belong?

Sorry guys... Just wait for the results... that is if you care.

Sunday, March 13, 2011
I do have this gift for spoiling things... and breaking bonds.

Wow.

Better steer clear from me.

No strings attached

Saturday, March 12, 2011

Although for the most part the reason why I can’t socialize well with the opposite sex is due to my shyness and their unpredictable minds, it can also be blamed for my tendency to get too attached. If sympathy from me can be easily won even if it entails harm to myself then how much more could it take to gain my affection? In the end, it’s me you’ll find hurting.

Ang Pakikipag-sapalaran ni Eks sa Loob ng Kaloob-looban 3

Nagkataong si Eks lamang ang libre sa araw na iyon. Kailangan na ring matapos ang kanilang gawain sapagkat malapit nang matapos ang semestre. Alas tres ang usapan kaya naman mga 1:45 ay nilisan na niya ang unibersidad. Habang siya’y nasa biyahe ay naglalaro na ang kanyang imahenasyon ukol sa nahaharap na gawain. Mas bata naman sila sa kanya kaya okay lang…

Hindi pa nga din niya gaanong kabisado ang ruta ng kanyang pakay. Nang naging mukhang pamilyar na ang paligid ay pumara at bumaba na siya sa dyip. Hindi pa pala doon ang kanyang pakay. Naglakad muna siya, sa palagay niya’y malapit lang naman. Kainitan na nang mga oras na iyon. Overpass lang ang tanging marka na naaalala niya na malapit sa kanyang patutunguhan. Ilang overpass na din ang nadaanan niya at wala pa rin siya sa kanyang patutunguhan. Sa pag-iisip na malapit na lang ang kanyang lalakbayin, hindi na niya gaanong napansin ang kalayuan nito. Mainit, naglalangis na ang kanyang mukha.

Ilang saglit pa ay bumakas na ang ngiti sa kanyang mga labi, natatanaw na niya ang kanyang sadya. Tinignan niya ang kanyang relo at nabatid na maaga-aga pa siya sa itinakdang iskedyul. Tumungo muna si Eks sa isang restawran upang kumain at magpalimig. Wala nga talaga sana siyang balak mananghalian.

Nang makakain at makapgpahinga ay tumungo na siya sa kanyang pupuntahan. Nang makapasok sa loob ay hinugot niya sa kanyang bulsa ang kanyang naghuhumikahos na selepono. Kailangan kasi niyang ipaalam sa taong tutulong sa kanyang maisagawa ang gawain ang kanyang pagdating. Hindi kasi siya gaanong pamilyar sa lugar maski pangatlong beses na niya dito. Hindi pa rin niya alam kung saan sila magkikita.

Laking gulat lang ni Eks nang makita niyang ubos na ang baterya ng kanyang selepono. Binalot siya ng kaba at tuluyang nataranta.

Pagkamalas-malas nga naman.

Itutuloy…?

Premature Farewell

Friday, March 11, 2011
How do you measure a man?
Is it by the inch, yard, or foot?
How do you weigh a soul?
By ounce? Or pound perhaps?

Let him die! Be consumed by earth,
For his end is his ultimate measure.
Let his dust be blown across the sea,
For his weight doesn't rest on earth.