Paranoia

Friday, October 28, 2011
the chains that bind
hold the feet no longer
yet with every step
the ringing, the clashing
echoes on forever

Out of nothing 2

Monday, October 24, 2011

Letrato
Halos lahat na yata ng tao ay nagmamayari ng kamera. Ganun ba talaga kahalaga ang mga letrato para sa mga tao? What’s in a picture? The colors? The faces? The sceneries? Kung sabagay, kung saan mang letrato ka involved at makakarelate, may makukuha ka nga namang frozen memories. Bahal na yung utak mo na mag defroze nito, at paglaruan ang mga sandaling lumipas na. Sa huli, paggunita din pala sa nakalipas ang gamit nito, puwera na lang sa tunguhing pang komersyal. Mauuwi din pala ang lahat sa napakaklasikong pagiisip na tumutumbok sa kahalagahan ng ‘kasaysayan’. Yun nga lang, lahat ba ng letratong na i-develop, nasa computer, o nasa memory stick ay may ‘saysay’. Isa pa, kung sa bawat oras na lumilipas ay meron kang letratong magpupugay sa iyong makulay na buhay, will the pictures then still serve their purpose? Para san pa ang pag re-reminisce kung wala ka namang ire-reminisce? Naaalala ko tuloy yung diary ko nung grade school pa ako. 'Nung umaga, kumain ako. Nung tanghali, kumain ako. Nung gabi, kumain ako tapos natulog na.' Sa next entry, ganun ulit yung nakasulat. Dinaan ko nga lang sa stickers yung diary na yun e.

Halfway There

Sunday, October 23, 2011




Two down, another two to go.

Karinate Star

Friday, October 21, 2011
Karina,

Do you know what carina is? It's a sternal bone in birds. It helps the birds in their flight, providing leverage. Some birds don't have it, that's why there are flightless birds.

Carina is also a constellation. It has the second brightest star in the night sky, 'Canopus'.

http://www.outerspaceuniverse.org/media/carina-nebula-wide-view.jpg

There may be shooting stars... But there's also a 'Flying Star'...

Once and Nevermore

Wednesday, October 19, 2011

Walking in a shoreline trodden by tears
Makes it not a wonder
Why the sea is salty
And sometimes even bitter.

With every step
It disappears behind
Leaving not a trace
To grace the memory of time.

To think
Of what came before
This filthy pair of feet
Of the thousands that drowned.

Makes it a wonder
Why the ocean
So calm and serene
In dusk’s full grandeur.

Flashback

Saturday, October 15, 2011

This is a picture of the roof inside the room where I stayed in while boarding in my previous boarding house. This part of the roof is exactly within the area above my bed (its a double deck bed and mine is the top one). Whenever it rains, I get soaked. It started with little drizzles but it eventually worsened, ending up like a kid's flowing urine (it's also yellowish since the roof is old and dirty). Fortunately, the water ends up only in one end of the bed and not in the middle. I just huddle myself up to avoid getting wet when it rains. My landlady knows about it, but never really did anything about it. She just told me to switch rooms whenever it rains. But I never did so since I find it a hassle, especially since I'm a student and I don't like to move my things back and forth as rain starts and ends.

people come and go

Thursday, August 4, 2011
today i'll greet hello
tomorrow you'll bid goodbye
like a gush of wind
in the stillness of the night

The necessary is already sufficient

Tuesday, April 19, 2011
'We must cultivate our own garden.'

But in doing so, the extent of our gardens must first be quantified in terms of what is just. A man needs only to maintain a plot of land that would be enough for him to sustain his life. Acquisition of a far more larger land would only degrade his own existence; the land must serve the man and not the other way around. One need not carry more than what his back can support.

"Sa bawa’t latay kahit aso’y nag-iiba.
Sa unang latay siya’y magtataka.
Sa ikalawa, siya'y mag-iisip.
Sa ikatlo, siya’y magtatanda.

Sa ika-apat, humanda ka!"

- Edgardo M. Reyes, Sa mga Kuko ng Liwanag

The Earthshaker

Wednesday, March 30, 2011
Hubad na paa'y sa aspalto tumaghoy
Kung saan tutungo ay 'di matukoy
Malamlam na mata'y naglalaro, nagahahanap
Minsa'y napahihinto, tumatanaw sa alapaap

Daang mapagparusa'y tigib sa babala
Kung saan dapat huminto, kumanan, o kumaliwa
Walang pagaatubiling mga paalala'y sinundan
Nagbabakasakali, baka may masumpungan

Hanggang sa pagkakatulog ay biglang nagising
Hiyas ng kamalayan, nanumbalik ang ningning
Nang matunghayan, anghel na luwal ng langit
Tagpi-tagping pangarap ay tuluyang nakamit

Ngunit sa isang tibok ay unti-unting kumupas
Imahe ng pag-asa, sa kilapsaw na wagas
Sa pinid na talukap luha'y pumuslit
Pagpatak sa paa, mga sugat ay nagngalit

Sa paghalik ng langit sa lupa, daan ay nagsanga
Napadungaw sa likod at nagpalingalinga
Paglantad ng katotohanan, balahibo'y nagsitaas
Duguang kalsada, pumpon ng mga rosas

All that we see or seem Is but a dream within a dream. (Poe)

Tuesday, March 29, 2011
Edgar Allan Poe
(1809-1849)


A DREAM

 In visions of the dark night
I have dreamed of joy departed-
But a waking dream of life and light
Hath left me broken-hearted.

Ah! what is not a dream by day
To him whose eyes are cast
On things around him with a ray
Turned back upon the past?

That holy dream- that holy dream,
While all the world were chiding,
Hath cheered me as a lovely beam
A lonely spirit guiding.

What though that light, thro' storm and night,
So trembled from afar-
What could there be more purely bright
In Truth's day-star?

http://www.poetryloverspage.com/poets/poe/poe_ind.html
http://www.literaryhistory.com/19thC/Public_Domain_Photos/Poe.jpg

Bawal Magtinda sa Bangketa

Nangyari na naman ang pinaka-iniiwasan. Kung kailan ka pa naging komportable at palagay, saka naman agad-agad ang pamamaalam. Mahirap tanggapin na sa isang iglap ay maglalaho ang lahat, tulad ng isang matingkad na panaginip na hindi na maalala sa pag mulat ng mga mata. Hanggang sa gunita na lang muling magkikita, gunitang unti-unting malilimutan sa bawat pag pitik ng mga segundo.

Sa pag halik ng luha sa lupa, isang bulaklak ang uusbong na siyang magiging saksi sa nalimot na kahapon.



Hanggang kay Belldandy na nga lang ba talaga ako? Maski sa imahenasyon ay may kaagaw pa...

Failed Attempt to Tulang Pambata

Saturday, March 19, 2011

RESES

Isang taon na akong nakaupo

At sinasapot na din ako

O kay bagal ng mga minuto

Gaano katagal ang isang segundo?


Ako’y hilong-hilo na

Sa sakit ng aking ulo

Hindi ko na matatagalan pa

Ang giyera sa loob ng tiyan ko


(lilingon sa orasan) Ay!

Sampu…siyam…walo…pito…

Anim…lima…apat…tatlo

Dalawa…isa… kriiiiiiing!

Takbo!

Eleanor Rigby

Where do they all belong?

Sorry guys... Just wait for the results... that is if you care.

Sunday, March 13, 2011
I do have this gift for spoiling things... and breaking bonds.

Wow.

Better steer clear from me.

No strings attached

Saturday, March 12, 2011

Although for the most part the reason why I can’t socialize well with the opposite sex is due to my shyness and their unpredictable minds, it can also be blamed for my tendency to get too attached. If sympathy from me can be easily won even if it entails harm to myself then how much more could it take to gain my affection? In the end, it’s me you’ll find hurting.

Ang Pakikipag-sapalaran ni Eks sa Loob ng Kaloob-looban 3

Nagkataong si Eks lamang ang libre sa araw na iyon. Kailangan na ring matapos ang kanilang gawain sapagkat malapit nang matapos ang semestre. Alas tres ang usapan kaya naman mga 1:45 ay nilisan na niya ang unibersidad. Habang siya’y nasa biyahe ay naglalaro na ang kanyang imahenasyon ukol sa nahaharap na gawain. Mas bata naman sila sa kanya kaya okay lang…

Hindi pa nga din niya gaanong kabisado ang ruta ng kanyang pakay. Nang naging mukhang pamilyar na ang paligid ay pumara at bumaba na siya sa dyip. Hindi pa pala doon ang kanyang pakay. Naglakad muna siya, sa palagay niya’y malapit lang naman. Kainitan na nang mga oras na iyon. Overpass lang ang tanging marka na naaalala niya na malapit sa kanyang patutunguhan. Ilang overpass na din ang nadaanan niya at wala pa rin siya sa kanyang patutunguhan. Sa pag-iisip na malapit na lang ang kanyang lalakbayin, hindi na niya gaanong napansin ang kalayuan nito. Mainit, naglalangis na ang kanyang mukha.

Ilang saglit pa ay bumakas na ang ngiti sa kanyang mga labi, natatanaw na niya ang kanyang sadya. Tinignan niya ang kanyang relo at nabatid na maaga-aga pa siya sa itinakdang iskedyul. Tumungo muna si Eks sa isang restawran upang kumain at magpalimig. Wala nga talaga sana siyang balak mananghalian.

Nang makakain at makapgpahinga ay tumungo na siya sa kanyang pupuntahan. Nang makapasok sa loob ay hinugot niya sa kanyang bulsa ang kanyang naghuhumikahos na selepono. Kailangan kasi niyang ipaalam sa taong tutulong sa kanyang maisagawa ang gawain ang kanyang pagdating. Hindi kasi siya gaanong pamilyar sa lugar maski pangatlong beses na niya dito. Hindi pa rin niya alam kung saan sila magkikita.

Laking gulat lang ni Eks nang makita niyang ubos na ang baterya ng kanyang selepono. Binalot siya ng kaba at tuluyang nataranta.

Pagkamalas-malas nga naman.

Itutuloy…?

Premature Farewell

Friday, March 11, 2011
How do you measure a man?
Is it by the inch, yard, or foot?
How do you weigh a soul?
By ounce? Or pound perhaps?

Let him die! Be consumed by earth,
For his end is his ultimate measure.
Let his dust be blown across the sea,
For his weight doesn't rest on earth.

Killing Time with Nonsense

Thursday, February 10, 2011
Masayado na yata akong sinuswerte sa buhay. Kahit katabi ko na ang kamalasan ay kumakapit parin ang suwerte sa akin. Siyempre masaya ako sa ganitong kalagayan, ngunit sa palagay ko'y pinaglalaruan ako ng tadhana.

Gusto ko kasing makita si Bell. Pero sa mga malas na tao lang siya nagpapakita.

Kung sabagay, kathang isip lang naman kasi si Bell... yun ay kung tatanungin mo ang mga matitinong tao. Kaso hindi ako matino, at buhay na buhay sa aking isip si Bell. Alam ko na totoo siya, maaaring sa ibang dimensiyon lang siya nabubuhay.

Sapat ba ang aking paniniwala upang masabi ko na totoo nga si Bell?

Ayon sa jtb ni Plato, knowlegde requires justification, belief, and truth. Belief... iyan ang pinanghahawakan ko. Truth... nakikita ko naman si Bell sa tv at manga, ok na kaya yun? Justification... pano nga ba? Kung externalist ako, di ko na kailangan yun basta may lawful connection between the belief and circumstance.

Nag e-exist nga si Bell, pero as fiction lang (tv and manga). Puwede ba yun? Nag e-exist na fiction? Anyway, ang gusto ko kasing sabihin ay totoo si Bell as a true being. Problema nga lang, Goddess si Bell. So pano na? Sa clear and distinct idea na lang ba ako mag a-appeal?

Ewan ko... basta kulang pa naman hanggang ngayon yung jtb e, baka pag lumabas na yung 4th requirement for knowledge, medyo malinawan na ako.

Im justified in believing my belief because i believe that i believe in my belief, belief being a form of thinking.

ostensive crossroads found in a chair

Thursday, February 3, 2011
sanay manumbalik
ang liksi ng kahapon
panahong nakaligtaa'y
gisingin sa pagkakatulog!
ala-alang iniwan ay
hiyas na nagniningning
na siya magsisilbing gabay
sa landas na tatahakin...




Bukas nalang ulit mangarap

Friday, January 21, 2011
Umuulan nanaman ulit. Lumuluha muli ang alapaap. Nakikisimpatya sa lungkot na nadarama ng mga bilanggo ng isang maksalanang mundo. Wari'y nais linisin at ianod sa dagat ang dumi na bumabalot sa bawat nilalang. Nariyan upang magbigay ng pagasa.

Ngunit huli na ang lahat. Lumubog na ang araw.

Paano pa matatanto ang dulo ng bahaghari?