"The human heart has hidden treasures, In secret kept, in silence sealed; The thoughts, the hopes, the dreams, the pleasures, Whose charms were broken if revealed..."
walking on thin ice should one walk on still? for when the ice beneath the feet brakes what was shattered will never be mended a wound that will no longer heal
holding on to a gossamer of hope that plunging in the cold water would numb the body to the point of feeling warm
should one walk on still? or should one risk no further?
this rose of mine can never be subdued in its pot ever is it restless in its bed never does it brood its petals pierce the heavens and its roots penetrate the earth making wonders as it leavens even the faintest stroke of mirth
a gentle voice within this tempestuous rain only felt and never heard touches those who's hearts are void faceless beings, forsaken, for nought whom once also dreamt and dared a gentle voice within this tempestuous rain only felt and never heard giving hope to those whose faith have waned that even if there maybe no rainbows in a world of shadows after a rain still... there are pieces of heaven found on earth once the sky clears and the stars reflect their light
As to when and where, I'm eager to know. Though this maybe, I can't avoid being downright oblivious. I always find myself turning a blind eye to everything, may it be right or wrong. I tip my hat off to Ditto Sarmiento.
"Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung di tayo kikibo, sino ang kikibo? Kung hindi ngayon, kailan pa?"
"Miserable being must find more miserable being. Then he is happy." (not sure if really from Gorky's The Lower Depths as quoted in the movie Lady and the Tramp)
I thought that my first year in medicine would end with a solid dot. Ngunit dahil sa taglay kong dugong 'X', akala ko nga lang talaga yun. To think that I would be called upon by our professor to recite in class... last class session na nga namin yun natawag pa ko. Sa buong taon, noon lang talaga ako natawag. I even don't know the answer to the question, which by the way was really easy and basic (on the peripheral pulses). For some reason I was nonchalant about it, maybe because I don't know the answer and I can just admit it. What made me nervous was the remark... 'kung meron na daw ba akong kaibigan.' WOW! IN FRONT OF THE WHOLE CLASS. IN MICROPHONE!
----------------------------
But then again... after the sun, then came the shadow. Sana napansin ni crimson fist.
Kung pagbibigyan lang din ako ng pagkakataon, gusto kong maging isang kamen rider. Siyempre, secret identity dapat yun saka dapat may mga kalaban ako na mga kampon ng kadiliman. Sa totoo lang, kapag medyo inaantok ako sa mga lecture sa klase, iniisip ko na biglang may lalabas na mga halimaw sa may tabi ng lecturer (yung biglang sasabog yung pader sa harap tapos uusok...). Yun! Chance! Biglang magkakagulo sa room pero di muna ako magtratransform... maghihintay muna ako ng ilang sandali, baka kasi sakaling meron pang ibang kamen rider bukod sa akin sa mga classmates ko at kung meron man, siya na bahala. Kung ako lang talaga... HENSHIN!
Sana lang after henshin, may power boost at skill boost, wala naman kasi akong alam sa martial arts. Siguro naman di ako agad lulusubin ng kalaban habang ginagawa ko yung ritual ng pagtratransform, standard rule na yun sa lahat ng hero transformations. May background music din dapat para ganahan ako.
Problema nga din pala yung pagliligpit nung kalaban pag natalo na... Ok kung bigla nalang magalalaho yung katawan nila pag natalo sila.
Di din dapat mawala yung love interest ng tagapagtanggol. Importante yun, dapat may inspiration.
-----------------------------------
Mahihirapan nga din pala ako sa pagaaral kung araw araw ay may lilitaw na kalaban. Mainam kung once a week lang (ganun din naman yung sa tv, once a week lang pinapalabas) saka kung lilitaw sila kung nasaan ako. Di pa naman ako marunong pumunta sa ibang lugar maliban na lang kung sa school at dorm. Kapag uuwi ako sa probinsya para sa bakasyon, may ceasefire din dapat. Di kasi ako mahilig lumabas ng bahay. Saka kailangan din naman ng bakasyon ng mga halimaw.
I'm being sucked into a wormhole again. I'm finding it hard to differentiate reality from a dream. My only foothold to sanity is the notion that in a dream I'm alone while in reality I'm isolated. Physically different but emotionally the same.
Thursday, February 14, 2013
I'll hasten my passing to make way for the sun for the world to behold the beauty you must flaunt
Human nature. One will only learn when one is on the brink of death. Yet they may argue how can they sustain billions of life without doing so. Still, they got A LOT of heads to do the thinking. Its a given though that they think of themselves first before others.
The quirky idea of inserting USB devices in our own heads to store files may really become the norm someday in the future. Does it come with formatting? Can our precious minds then be hacked? Yun na nga lang yung maipamamana samin ng mga magulang namin saming mga magkakapatid, may posibilidad pang manakaw. Truthfully, its scary.
Dapat ay nagaaral ako sa mga oras na ito. May tatlong eksam na nakalaan sa buong linggo. Ngunit kung saan saan nakararating ang isip ko.
isang tuyong dahong
nagpapatangay sa hangin
walang pakialam
san man nito dalhin
at anuman ang sapitin
Siguro nga ay tuyong tuyo na ang utak ko. Habang tumatagal parang lalo akong nabobobo.
bobo, ulo'y puro
hangin na parang lobo
ano ang sabi ng lolo?
utak daw ay may toyo
TL. True love. Tunay na pagibig. Sabi ni Carl Rogers: unconditional positive regard. 'I extend to you my (unconditional positive) regards' haha.
pagibig muna bago dota
mauuwi naman sa pag toma
RAK na lang mga dre
Ice yan tol! pare
Matagal na rin akong di nakakapag GG. Pero di ko rin naman talaga gaanong naappreciate yung gameplay at medyo naguguluhan ako. Talong-talo nga ako ng mga nakababata kong kapatid.
piniritong galunggong
sinawsaw sa bagoong
iyong huling hantungan
ay dito sa aking tiyan
Naalala ko nanaman yung nabasag kong bagoong na nakagarapon. Tapos nakakita pa ako ng 2 anghel sa Mcdo nung araw din na iyon. Biruin mo, naging kaibigan ko din yung dalawang iyon!
naamoy mo na ba
ang halimuyak ng hininga
ng isang anghel?
que bien huele, que bien huele
Angel's breath yung polbo na ginagamit dati samin ng aming nanay nung maliit pa kami ng ate ko. Ngayon ay wala na akong nakikitang ganitong brand na itinitinda sa mga mall. Nilalaro ko lang ang polbo noon, kadalasan pa nga ay sa likod na aking tatay yung playground. Saka pag gumamagawa ako ng eroplanong papel ay nilalagyan ko ito ng polbo para pag pinalipad ko ang eroplano ay parang nagiiwan ito ng usok.
enola gay
isnt gay as it says
and little boy
isnt about fun and toys
Di na rin siguro nakapagtataka kung bakit pinangalanan ang makasaysayang eroplano hango sa pangalan ng ina ng piloto. Maski nanay ko parang bomba din kung magalit sakin kung minsan (minsan lang naman, peace mami!). Pero mas okay siguro kung mas malakas yung dating ng pangalan nito tulad ng: 'wrath of the grim reaper', 'devil's hearse of eternal damnation', 'one way trip to Malebolge', o kaya 'the eight legs of Sleipnir'. Dun sa bomba naman, bakit kaya little boy yung napili? 'Boom shakalaka' nalang sana. Pwede ring Batang X hehehe...
I am a bit overwhelmed with what happened this night. I just cant believe that my classmates would accept me that easily. I'm really really grateful to them. I also made new friends (I think and I do hope). With all of their enormous effort trying to make me feel that I too 'belong', I still just cant help being the usual 'loser' me.
Ngayon na siguro ang huli nating pagkikita. Maski ako ay nabigla sa di inaasahang pangyayari na nagdala sa atin sa sitwasyong ito. Gayundin naman, maaaring di mo napansin na ikaw din ang nagbigay ng huling suntok sa resolusyon nitong katapusan. Pero ayos lang iyon, sigurado naman akong di mo alam ang tinatakbo ng isipan at saloobin ko. Kung sabagay, ako lang naman ang lumikha at nagsimula ng lahat ng ito kung kayat nararapat lang siguro na ikaw naman ang tumapos. Masaklap nga lang, ang katotohanan ay di mo din alam na mayroon tayong sinimulan kahit papaano. Di rin naman kasi ako nagsalita.
Nabubuhay ka sa realidad, ako naman ay sa panaginip. Alam mo ba na ikaw ang panaginip ko? Sa madaling salita ay nabuhay din ako sa realidad nang dahil sa iyo, kahit sa maikling panahon lamang. Itoy buong puso kong ipinagpapasalamat.
------------------------------------------------
Sa kabila ng lahat ng ito, di ko pa din magawang tapusin ang sulat na ito. Marahil akoy umaasa pa din.
"I will never be what they
Want me to
I live by my own path in life
No turning
Back now, I won't be held down
Forced into a shallow grave built upon their empty ways
No turning
I will never be what they
Want me to
I live by my own path in life
There's no turning back"
sa kaluskos ng mga dahon
ay may isang awit
na sinasabayan ng mga anghel
sa pagtugtog ng alpang bitbit
magalak! mga orehang makasasapit
sa tinig ng bukang liwayway
gayundin ang takipsilim
sa kanyang pagsambit
--------------------------
mga salitay hangin lamang
na ibinuga ng iyong baga
at binuhay ng iyong natatanging tinig
at di din mapagkakaila
na kung anong isinulat sa hangin
ay dagliang mawawala
Napakahirapidaan sa salita ang dapat pinapakita sa kilos o gawa. Ang pagkatuwa ay mas matatanggap ng iyong kapwa sa pamamagitan ng iyong pag ngiti kaysa sa simpleng pagsambit nang mga salitang nagpapahiwatig ng iyong kasiyahan. Gayundin ang lakaran sa iba pang mga emosyon, mas makabuluhan kapag epektibo ang iyong pagpaparadam gamit ang ekspresyon ng mukha at kilos ng katawan. Tulad lang din sa isang pelikula, walang kwenta kung maganda lang ang script, dapat mahusay din ang mga gumaganap na aktor.
Ang masklap pa, kung hindi mo na nga kayang ipakita sa pagkilos at sa ekspresyon ng mukha ang iyong nadarama, ay di mo pa din kayang idaan ito sa mga salita.
Di na talaga ako makaahon sa lumbak na ako mismo ang humukay.
Kumakatok na naman sa aking pintuan ang 'matalik kong kaibigan'. Di ko alam kung bubuksan ko ang pinto, sa totoo lang kinikilabutan ako sa tuwing maririnig ko ang kanyang pagkatok. Gayun pa man, siya lang ang tanging bumibisita sa akin, parang siya lang ang nakauunawa sa akin. Pero takot ako sa kanya...