The Earthshaker
Kung saan tutungo ay 'di matukoy
Malamlam na mata'y naglalaro, nagahahanap
Minsa'y napahihinto, tumatanaw sa alapaap
Daang mapagparusa'y tigib sa babala
Kung saan dapat huminto, kumanan, o kumaliwa
Walang pagaatubiling mga paalala'y sinundan
Nagbabakasakali, baka may masumpungan
Hanggang sa pagkakatulog ay biglang nagising
Hiyas ng kamalayan, nanumbalik ang ningning
Nang matunghayan, anghel na luwal ng langit
Tagpi-tagping pangarap ay tuluyang nakamit
Ngunit sa isang tibok ay unti-unting kumupas
Imahe ng pag-asa, sa kilapsaw na wagas
Sa pinid na talukap luha'y pumuslit
Pagpatak sa paa, mga sugat ay nagngalit
Sa paghalik ng langit sa lupa, daan ay nagsanga
Napadungaw sa likod at nagpalingalinga
Paglantad ng katotohanan, balahibo'y nagsitaas
Duguang kalsada, pumpon ng mga rosas
All that we see or seem Is but a dream within a dream. (Poe)
Edgar Allan Poe(1809-1849)
A DREAM
In visions of the dark night
I have dreamed of joy departed-
But a waking dream of life and light
Hath left me broken-hearted.
Ah! what is not a dream by day
To him whose eyes are cast
On things around him with a ray
Turned back upon the past?
That holy dream- that holy dream,
While all the world were chiding,
Hath cheered me as a lovely beam
A lonely spirit guiding.
What though that light, thro' storm and night,
So trembled from afar-
What could there be more purely bright
In Truth's day-star?
http://www.literaryhistory.com/19thC/Public_Domain_Photos/Poe.jpg
Bawal Magtinda sa Bangketa
Sa pag halik ng luha sa lupa, isang bulaklak ang uusbong na siyang magiging saksi sa nalimot na kahapon.
Hanggang kay Belldandy na nga lang ba talaga ako? Maski sa imahenasyon ay may kaagaw pa...
Failed Attempt to Tulang Pambata
RESES
Isang taon na akong nakaupo
At sinasapot na din ako
O kay bagal ng mga minuto
Gaano katagal ang isang segundo?
Ako’y hilong-hilo na
Sa sakit ng aking ulo
Hindi ko na matatagalan pa
Ang giyera sa loob ng tiyan ko
(lilingon sa orasan) Ay!
Sampu…siyam…walo…pito…
Anim…lima…apat…tatlo
Dalawa…isa… kriiiiiiing!
Takbo!
Sorry guys... Just wait for the results... that is if you care.
Wow.
Better steer clear from me.
No strings attached
Although for the most part the reason why I can’t socialize well with the opposite sex is due to my shyness and their unpredictable minds, it can also be blamed for my tendency to get too attached. If sympathy from me can be easily won even if it entails harm to myself then how much more could it take to gain my affection? In the end, it’s me you’ll find hurting.
Ang Pakikipag-sapalaran ni Eks sa Loob ng Kaloob-looban 3
Nagkataong si Eks lamang ang libre sa araw na iyon. Kailangan na ring matapos ang kanilang gawain sapagkat malapit nang matapos ang semestre. Alas tres ang usapan kaya naman mga 1:45 ay nilisan na niya ang unibersidad. Habang siya’y nasa biyahe ay naglalaro na ang kanyang imahenasyon ukol sa nahaharap na gawain. Mas bata naman sila sa kanya kaya okay lang…
Hindi pa nga din niya gaanong kabisado ang ruta ng kanyang pakay. Nang naging mukhang pamilyar na ang paligid ay pumara at bumaba na siya sa dyip. Hindi pa pala doon ang kanyang pakay. Naglakad muna siya, sa palagay niya’y malapit lang naman. Kainitan na nang mga oras na iyon. Overpass lang ang tanging marka na naaalala niya na malapit sa kanyang patutunguhan. Ilang overpass na din ang nadaanan niya at wala pa rin siya sa kanyang patutunguhan. Sa pag-iisip na malapit na lang ang kanyang lalakbayin, hindi na niya gaanong napansin ang kalayuan nito. Mainit, naglalangis na ang kanyang mukha.
Ilang saglit pa ay bumakas na ang ngiti sa kanyang mga labi, natatanaw na niya ang kanyang sadya. Tinignan niya ang kanyang relo at nabatid na maaga-aga pa siya sa itinakdang iskedyul. Tumungo muna si Eks sa isang restawran upang kumain at magpalimig. Wala nga talaga sana siyang balak mananghalian.
Nang makakain at makapgpahinga ay tumungo na siya sa kanyang pupuntahan. Nang makapasok sa loob ay hinugot niya sa kanyang bulsa ang kanyang naghuhumikahos na selepono. Kailangan kasi niyang ipaalam sa taong tutulong sa kanyang maisagawa ang gawain ang kanyang pagdating. Hindi kasi siya gaanong pamilyar sa lugar maski pangatlong beses na niya dito. Hindi pa rin niya alam kung saan sila magkikita.
Laking gulat lang ni Eks nang makita niyang ubos na ang baterya ng kanyang selepono. Binalot siya ng kaba at tuluyang nataranta.
Pagkamalas-malas nga naman.
Itutuloy…?
Premature Farewell
Is it by the inch, yard, or foot?
How do you weigh a soul?
By ounce? Or pound perhaps?
Let him die! Be consumed by earth,
For his end is his ultimate measure.
Let his dust be blown across the sea,
For his weight doesn't rest on earth.
Killing Time with Nonsense
Gusto ko kasing makita si Bell. Pero sa mga malas na tao lang siya nagpapakita.
Kung sabagay, kathang isip lang naman kasi si Bell... yun ay kung tatanungin mo ang mga matitinong tao. Kaso hindi ako matino, at buhay na buhay sa aking isip si Bell. Alam ko na totoo siya, maaaring sa ibang dimensiyon lang siya nabubuhay.
Sapat ba ang aking paniniwala upang masabi ko na totoo nga si Bell?
Ayon sa jtb ni Plato, knowlegde requires justification, belief, and truth. Belief... iyan ang pinanghahawakan ko. Truth... nakikita ko naman si Bell sa tv at manga, ok na kaya yun? Justification... pano nga ba? Kung externalist ako, di ko na kailangan yun basta may lawful connection between the belief and circumstance.
Nag e-exist nga si Bell, pero as fiction lang (tv and manga). Puwede ba yun? Nag e-exist na fiction? Anyway, ang gusto ko kasing sabihin ay totoo si Bell as a true being. Problema nga lang, Goddess si Bell. So pano na? Sa clear and distinct idea na lang ba ako mag a-appeal?
Ewan ko... basta kulang pa naman hanggang ngayon yung jtb e, baka pag lumabas na yung 4th requirement for knowledge, medyo malinawan na ako.
Im justified in believing my belief because i believe that i believe in my belief, belief being a form of thinking.
ostensive crossroads found in a chair
ang liksi ng kahapon
panahong nakaligtaa'y
gisingin sa pagkakatulog!
ala-alang iniwan ay
hiyas na nagniningning
na siya magsisilbing gabay
sa landas na tatahakin...
Bukas nalang ulit mangarap
Ngunit huli na ang lahat. Lumubog na ang araw.
Paano pa matatanto ang dulo ng bahaghari?
goodtimes...oldtimes
Notebooks are still way better than blog posts.
New dreams, new inspiration, new love, yet same old self.
The universe will bow down to a goddess...
Fullhouse
Right now, I still don't know what to do. It seems that I've ran out of luck. I'm very thankful though that my parents are very supportive of me, even if I'm old enough to think for myself. I do know that this can't go on forever, I'll need to learn to stand on my own feet and make firm decisions with the will to face the consequences.
Somehow I still can't confess what really is troubling me. I'm ashamed of my problem because it seems too trivial from the surface, but it delves deeply within.
I also find it disturbing that I feel longing for a friend these days. I've spent almost my whole life as a recluse, closing my ties within the family.
Dance in this world of miracles?
pagiging Batang 'X'
Ito siguro ay isang pananggalang sa malamlam na realidad ng aking buhay. Ang katotohanan ay nagiging mapanglaw dulot na rin ng aking katauhan, personalidad, at paniniwala.
Sa pagidlip lamang natatamasa ang kasiyahang walang bahid ng malisya. Lantarang naihahayag ang mga saloobin at tunay na nadarama.
Minsan tuloy ay naitatanong sa sarili, panaginip ba o realidad?
Sa ngayon ay hindi pa din ganap sa aking isip kung ano ang mas matimbang, mas makabuluhan, at mas mahalaga.
tower defense
Ako yung nagpalubog sa bangka. Nakalimutan ko kasing pasakan yung butas. Nahirapan tuloy kayong tanggalin yung tubig sa loob ng sinasakyan natin, habang nakikipagsagupaan tayo sa malalaking alon. Takot na rin ako noon. Buti na lang nailigtas niyo ako noong bumigay na ang ating bangka, di rin kasi ako marunong lumangoy.
Pasensya na kung akoy naging pabigat sa inyo.
Di ko nga maintindihan kung bakit napakainit nang gabing iyon. Nagmistulang araw ang buwan, nanlilisik ang tingin sa walang kalaban-labang nilalang. Umuulan pa sa lagay na iyon.
Tulong?
sorry for the choice of words...
di naman ito nagsusugat.
Sa Susunod Agahan Ha!?
Gayon man ang aking disiplina, hinahatak naman ako pababa ng aking matinding 'HIYA'. Maski alam ko na kailangan nang aksyonan ang isang bagay, madalas ay hindi ko naipaparating ang aking saloobin. Hindi ko magawang lapitan at kausapin ang aking mga guro, kaklase, kagrupo, o mga kaibigan.
'Sa susunod agahan ha!?' Simpleng mga salita, ngunit para sa akin ay nakakababa ng morale.
Ayaw ko kasing makasakit ng aking kapwa kaya hanggat maaari ay di ako nakikisalamuha. Gayundin, lagi kong hinahanap hanap ang 'feeling of belongingness' sa anumang grupo na aking mapasukan.
Tae. Ayoko ng ganito.
trying to smell what's cookin'
passion? lust?
enjoy as much as you can
while things are still kept low.
no loud bangin' please... ha ha
i still have a test to work on.
goodluck!
spring cleaning
In every step I take, shit trails behind me...
Wherever I go, the stench follows...
I walk in shame, carrying my past.
lipad ipis lipad
Repressed thoughts
I know that you're having a hard time trying to work out things with me. I'm sorry but I just couldn't help being ME, being shy, lackluster, and timid. I am simply an introvert, as you would have noticed already.
I don't want you to get the wrong picture; even if it doesn't show, I do enjoy your company and I really appreciate the way in which you are reaching out and taking the initiative.
The thing is, I am not really good at socializing. Especially towards a GIRL like you. I always (er... often) find myself dumbfounded when it comes to interacting with the opposite sex. I really don't know why. I work better with boys (I can relate easily).
Girls really are incomprehensible. Well... at least for me... for the mean time.
I know that you're mad at me right now, I can't blame you for this because PARTNERS should work together and have some kind of unity.
I am sorry for not being a good partner.
I hope that you wouldn't get TIRED of me. I admit that I need you more than you need me.
Sincerely yours,
-------X--------
P.S. You are really nice in a lot of ways. :)
I can't believe this... ha ha (hu hu hu)
http://davidbix.byethost32.com/wp-content/uploads/2009/09/CM-Punk.jpg---------------------------------------
and here's another one:
http://www.youtube.com/watch?v=vh1f9I-Mlao
Ampaw
-------------------------------------------
Halos hindi ko na namamalayan ang mabilis na paglipas ng panahon. Akala ko'y isa pa rin akong musmos na nangangapa sa landas ng buhay. Hindi na talaga ako lumaki... Hindi na rin natuto...
Nagpapaanod lang ako sa hangin, walang pakialam kung saan man ako mapadpad.
Bakit ba ako ganito? Sa ngayon, isa lang ang aking natitiyak: kung hindi ako magbabago ay wala akong patutunguhan.
Hangang panaginip na lang ba ang saysay ng buhay ko? May pagasa pa bang makawal ang kaluluwa kong nakagapos sa mundo ng kawalan?
Punong-puno ako ng pagsisisi, pagsisisi sa mga bagay na nagawa ko sa nakaraang panahon. Alam ko naman na ang kasalukuyan ay siyang nagiging nakaraan.
Hindi ko pa talaga kilala ang aking sarili.
------------------------------------------
Ang katuturan ng buhay ay nakabase sa kasaysayan.
I really am an idiot
But it is a dream that is completely lost upon awakening, never remembered.
A sentiment kept in silence is a foolery of one’s self. It is selfishness that brings anxiousness and a sense of isolation. It imprisons the self away from life, making reality a mere blur.
Ang Pakikipag-sapalaran ni Eks sa Loob ng Kaloob-looban 2
Disyembre 2009, unang linggo
Malapit na ang bakasyon
Nginitian na lamang niya ang sarili…
May roommate si Eks, at maski ang roommate niya ay naghahanap ng malilipatan. Ilang araw na lang at bakasyon na pero hindi pa si Eks nakakahanap ng malilipatan. Buti na lamang at nakahanap na pala ang roommate niya at niyaya nito si Eks na tignan ang lugar. Tinext ni Eks ang magulang niya ukol dito, at pinayuhan siya na mag-downpayment na para kahit papaano ay may sigurado na silang malilipatan at di na sila mamroblema sa pasukan.
Nagpunta sila Eks sa bahay na kanilang titignan at nagdala nga siya ng perang pang downpayment. Sa labas pa pala ito ng unibersidad at kinakailangan pang mag dyip upang makarating dito. Ilang sandali lamang at nakarating na sila sa kanilang pupuntahan. Matayog ang paupahan na ito na binubuo ng limang palapag. Sa bawat palapag, maliban sa pinakababa (ito ang lugar ng may-ari), ay iisa lamang ang kuwarto. Matarik at maliit ang hagdanan na inakyat nila. Sa ikalawang palapag lamang mayroong kuwartong pangdalawahan, ngunit may nakaupa na dito (nagkataon pa na kakilala ni Eks ang taong ito, at babae nga pala siya). Palilipatin na lang daw ng may-ari ang babaeng border sa ikalimang palapag kung lilipat sina Eks sa boarding house na iyon. Naalala ni Eks ang bilin ng kanyang magulang na mag down na, ngunit nahihiya siyang sabihin iyon sa kanyang roommate. Hindi na nga niya nasabi ito, hanggang sa umalis na sila. Ang sabi ng roommate niya ay maaaring dun na lamang sila tumira kung wala na talagang silang makikita pang ibang puwedeng lipatan.
Kampante na si Eks sa sitwasyon. Sa loob-loob niya ay mayroon na siyang puwedeng lipatan kaya hindi na siya maghahanap pa ng iba. Ayos na iyon sa kanya…
Ika- 31 ng Disyembre, bisperas ng Bagong Taon 2010
Di-mapakali si Eks. Punong-puno na siya ng takot at pangamba. Naisip na naman niya ang konsepto ng time machine.
Masama ito…
Nalaman ni Eks na hindi pa pala payag na lumipat ng kuwarto yung border na nasa pangdalawahang kuwarto. Tinetext niya ang kanyang roommate, ngunit para bang…
Tinext rin niya ang may-ari ng apartment ngunit…
Hindi na niya malaman kung ano ang gagawin. Siguradong pagagalitan siya ng kanyang mga magulang pag nalaman nila ito. Ngunit kung mananatili naman siyang tahimik, wala siyang titirhan para sa pasukan.
Hapon na noong nagkaroon si Eks ng lakas ng loob na sabihin sa kanyang mga magulang ang MALAKING problema. Tama ang kanyang hula, PINAGALITAN nga siya.
Hindi man dumurugo ang mga salita,
dinidikdik naman nito ang kaluluwa.
Ang pinakamapait na luha,
ay siyang hindi bumabaha.
(Sa mundo ng mga manloloko, kailangan ikaw din ay mangloko upang di ka ma-gago.)
P.S. Nakahanap ang magulang ni Eks ng boarding house na kanyang matutuluyan na mas-maganda pa kaysa sa dati niyang tirahan.
ar er
How stretched is far
My feet, will it mar
If it does, I’ll scuffle against tar
As long as your safe in your car.
How long is forever
Will it still come or never
If it does, what comes after
It won’t really matter, I’ll still be your...
very late... retarded
I am about to be kicked out of my niche.
I need to find another place to stay in. The horror of starting all over, considering the problems entailed: looking for a viable place, packing, moving, adapting, and worst of all, struggling for ‘belongingness’.
Goodbye to my good old room. The past two years were wanly, therefore fun.
Paalam babae sa loob ng aking kabinet, sana’y hindi mo makalimutan ang ating pinagsamahan.
It’s time to turn over a new leaf.
Ang Pakikipag-sapalaran ni Eks sa Loob ng Kaloob-looban 1
Dumiretso kaagad siya sa Bio Bldg. upang alamin ang resulta ng kanyang huling eksamen sa biology. Nais niyang alamin kung exempted na siya sa finals, kating-kati na kasi siyang makauwi sa probinsya.
Habang papalapit na siya sa pintuan ng bldg. ay bigla niyang nakita ang kanyang propesor sa Bio na saktong pa-pasok din sa loob ng gusali. Huminto muna siya ng paglakad at hinintay muna niyang makapasok sa gusali ang kanyang guro. Nahihiya siyang makasabay ito.
Nang makapasok na si Eks sa loob ay umakyat muna ito sa ikalawang palapag upang mag-cr. Sa kanyang paglakad ay nakita naman niya ang kanyang laboratory instructor na nagbibigay ng lab eksam sa mga estudyante. Tamang-tama sapagkat hindi pa rin niya nakikita ang resulat ng dalawang lab eksam niya. Kailangan din kasi na mapasa ang lab eksam upang maging exempted sa finals.
Naisipan niya na unang pumunta sa kanyang propesor bago sa lab instructor. Nasa may pintuan na siya. Kailangan na lang niyang kumatok. Biglang may pumigil sa kanya. Inatake nanaman si Eks ng kanyang hiya. Tinignan niya ang oras sa kanyang cellphone at natambad sa kanya na lunch brake pa pala. Gumaan muli ang kanyang loob.
Umalis muna siya upang maupo at magpahinga sa kabilang bldg., matao kasi sa Bio Bldg. Hindi na muna siya nananghalian sapagkat 30 mins lang naman ang kailangan niyang hintayin. Pinatay niya ang oras sa pagbabasa ng Walden at pag-idlip ng sandali.
Ala-una noong muli siyang bumalik sa Bio Bldg. Dumiretso siya sa kuwarto ng kanyang propesor at doon ay nag-ipon siya ng lakas ng loob upang kumatok sa pinto. Tok tok tok.
"Come in, the door is open." Alam na ng kanyang propesor ang kanyang pakay kaya napadali na ang kanyang trabaho. Itinanong lang sa kanya kung ano ang exam no. at iniabot kaagad ang kanyang test booklet. Suwerte, pasado.
Pagkaraan nito ay nagtungo naman siya sa kuwarto ng kanyang lab instructor. Muli siyang nag-ipon ng lakas ng loob upang kumatok. Tok tok tok.
Walang sumagot. Tok tok tok.
Wala talaga.
Nawala ang kanyang kaba ngunit siya naman ay nalungkot. Gustong-gusto na talaga kasi niyang umuwi sa kanila. Kailangan na lang niyang malaman kung kukuha ba siya ng finals sa Bio.
Sa kanyang paglabas ay nakita niya ang lab instuctor na pa-pasok ng gusali. Biglang tumalikod si Eks at nagtago panandali. Natuwa siya ngunit muli siyang kinabahan. Sadyang mahiyain lang talaga kasi siya. Hanggat maaari ay ayaw niyang makisalimuha sa iba, maliban na lang kung kapamilya niya ito o matalik na kaibigan.
Nakipagtalo muna siya sa kanyang sarili bago siya nagkaroon ng lakas upang harapin ang kanyang lab instructor. Kailangang gawin niya ito upang malaman niya kung makakauwi na ba talaga siya sa probinsya.
Saktong pag-punta niya sa kuwarto ng lab instructor ay siya namang lumabas ito. Bigla ulit siyang tumalikod at nagtago. Naging maluwag muli ang kanyang dibdib ngunit nainis siya sa kanyang sarili.
Dalawang pagkakataon ang kanyang sinayang... nagpasakop kasi siya sa bugso ng kanyang damdamin.
Umuwi na lang si Eks sa bahay na kanyang tinutuluyan. Naiinis sa sarili.
Out of nothing 1
Isang malaking misteryo para sa akin ang pagkuha ng mga babae ng letrato ng kani-kanilang mga sarili sa loob ng isang comfort room. Minsan solo, kadalasan grupo. Karaniwan itong mangyari sa tuwing mayroong mga magkakaibigang nagkakasama sa isang party, bertdey, o ano pa mang pagsasalo. Parang mga model pa nga ng cr kung mag-posing sila.
Sa loob-loob ko, maaaring ginagawa nila ito dahil mayroong malalaking salamin sa loob ng mga cr. Advantage nga naman ito upang maging maganda ang kalalabasan ng letrato dahil nakikita nila ang kanilang mga sarili sa harap ng salamin.
O baka naman may hidden agenda sila sa loob ng cr.
Mabango siguro sa loob ng cr ng mga babae, dahil kung sa cr ng mga lalake man magkakaroon ng isang photo shoot, malamang ay walang makakatagal sa umaalingasaw na mabaho at mapanghing amoy.
NAKAPAGTATAKA... NAKAPAGTATAKA...
Huling sulyap sa unang semestre, 09-10
Bio 11-
Dito ko nakilala ang legendary na si Ma'am RRR. Magaling siyang magturo at siguradong hindi ka makakatulog sa kanyang klase, kung hindi... hala ka. Pamatay din ang mga eksam na ibinibigay niya.
Gayundin naman si Ma'am Buerano na mahirap mag pa-eksam. Kapansin-pansin ang kanyang malaking pagmamahal sa Bio. May eksam pa nga pala ako bukas sa kanya,... kailangang mag-aral.
At siyempre hindi makukumpleto ang Bio 11 kung wala ang aming lab instuctor na si Sir Acebedo. Wala akong masasabi sa kanya kundi...MAGILAS. Nagtra-transform nga pala siya at nagiging...
Phys 71-
Hindi ko pa alam kung exempted ako sa finals...
Si Ma'am Rye... Madalas siyang bumitiw ng mga jokes, kahit medyo korni ung iba ay sigurado naman na mapapatawa o mapapangiti ka niya. Malapit din siya sa kanyang mga estudyante. Maaari rin siyang ituring 'superwoman' dahil sa lakas ng powers niya. Magugulat ka na sa mismong araw ng exam ay maibibigay niya kaagad ang results. Halos isang daan (o higit pa, hindi ako gaanong sigurado) pa naman kami sa klase niya.
Span 10-
Natuto akong mag spanish sa paulit-ulit na chain drills ni Prof. Alcantara. Marami talaga akong natutunan sa kanya, at ito ang pinaka kuwelang subject na pinasukan ko sa buong semestre. Kinantahan pa nga ako noong aking kaarawan ng spanish version ng 'happy birthday'.
Fil 40-
Dito ko nakilala si Ma'am Ruby, ang oic ng student housing. Naaalala ko pa noong gumawa ako ng liham sa kanya noong freshman ako. Para sa dorm application yung liham na iyon, at sinuwerte naman ako at natanggap ako sa Kalayaan.
Pinapahalagahan niya ang pagiging kritikal naming mga estudyante bilang mamamayan ng bansa. Sa klaseng ito ay nag-report ako tungkol sa librong '12 Little Things Every Filipino Can Do To Help Our Country' ni Alex Lacson. Medyo sabog yung pagkaka-report ko dito... Feel na feel ko pa naman ang pagiging pinoy ko habang ako'y nagrereport.
---------
Apat lang ang subject ko sa semestreng ito. Alam ko... ang konti. 15 units lang. Ka shi-shift ko pa lang kasi sa BS Psch, kaya medyo nagulo ung enlistment ko... NAKU! Naalala ko tuloy ung ipinila ko para makuha ko ung Bio 11 (TATLONG araw na pagpila!).
Pero natutuwa ako at sa wakas... BS Psycholohgy na ako! WOOOO! Next stop... Med School.
The long wait is over!
At last... it's all done. I thought it would never happen, but hey! it HAPPENED. But i still don't understand why she keeps bringing the past back. Or is it only because i'm stuck in a loophole? Or is she in a different time frame? Or am i just ignoring the past that knocks on my door, while she on the other hand already entertained it?
Or maybe... she just forgot because it's not worth it?
Ah! Must i be happy or sad? I think i'm going nuts!...
Still... everyone is nuts about (the outfit number).
Ang Babae sa Loob ng Aking Kabinet

Sa tuwing binubuksan ko ang aking kabinet, ito ang mukha na lagi kong nasisilayan. Nakadikit ito sa tagong bahagi ng pinto ng aking kabinet. Hindi ako ang gumuhit at hindi rin naman ako ang nagdikit ng larawang ito, nandito na ito sa simula pa lamang ng pananatili ko sa boarding house na aking tinutuluyan.
Hindi naman gaanong kaakit-akit ang babaeng nakaguhit ngunit kapansin-pansin ang sekswal na reaksyon sa mukha nito. Sa pangungusap ng kanyang mga labi ay para bang nang-iimbita siya ang isang taong hahalik sa kanya.
Siya ang sumasalubong sa akin tuwing umaga kapag kumukuha ako ng damit na aking isusuot...
Siya rin ang saksi sa mga kalat ko sa loob ng kabinet...
At higit sa lahat, siya ang BABAE SA LOOB NG AKING KABINET.








