saan man ay nahahanap din

Sunday, November 6, 2016

Parang kailan lang na akyat panaog ako hanggang sa ika-siyam na palapag tuwing umaga upang maka nakaw ng isang sulyap sa 'labas'. Isang pagtanaw sa 'labas' habang nag lalabas ng kung ano-man.


At noong bandang huli, tila mas nakaaakit ang tanawing natatambad sa 'loob', maski may isang Miss Minchin na minsa'y ako'y napagsabihan na rin na that my pacing is making her dizzy.

Noong nakalipas na taon lang din pala na aksidente kong naihulog sa bintana ng ika-9 na palapag ang aking antipara, habang ako'y nakatingin sa kawalan. Buti na lang sa pagkakataong ito ay walang tuluyang nahulog... muntik lang... muntik lang talaga.  

0 comments:

Post a Comment