Anino

Wednesday, April 3, 2024

Nito lamang nakaraang Sabado de Gloria ay may isang batang babae na edad 10 ang isinugod sa ospital kung saan ako naka duty. Noong una'y di ko pa nauunawan kung ano ang nangyayari sapagkat nagkakagulo ang mga naghatid sa bata. Kapansin pansin ang isang aleng humahagulgol sa grupong ito. Nalunod. Yan ang aking narinig habang ako'y napatingin sa isang lupaypay na katawan sa stretcher ng ambulansya. Parang isang reflex, dagli akong nag utos ng CPR sa mga kasama kong nurses. Ako na mismo ang naunang nag pump sa dibdib ng bata. Ambu bag! Epi! Pa hook sa cardiac monitor! Lahat naman ay nagawa ayon sa protocol. Ngunit huli na ang lahat, dead on arrival.


Sa maikling oras na aking nakasama at sinubukan isalba ang buhay ng bata, ako'y medyo nababahala sapagkat hindi ko na maalala ang itsura ng kanyang mukha. Isa na lamang siyang anino sa aking alaala. Maski pangalan niya'y di ko na rin matandaan. Isang Jane Doe. Ganun na ba kabalisa ang aking utak at para na lamang akong isang de-susing robot sa isang malaking makinarya? Hindi maalis sa aking isip na kung ako kaya ay isang anino lang din sa mga taong aking nakakasama at nakakasalamuha. Ang kanilang mga kilos at salita kaya ay parte lang din ng isang makinarya? Ako kaya ay isang John Doe no. xxx? Kung sabagay, di ko na rin naman malalaman yun kung magkataon man.

--------------------------

I am but a shadow fading in the presence of your light.

Isa pa ding malaking dilemma ang pumili sa pagitan ni Kotaro at Lamont, ngunit ako muna ay kay Lamont ngayon magpapasanib. Hay nako, here we go again.

0 comments:

Post a Comment