A flying ember

Tuesday, October 8, 2024



Don Quixote fighting windmills by GA Harker

-------------------------------------------
Windmills everywhere, even in my sleep. I just want to be at peace but it is hard when the mind is playing its tricks. This is not good at all. To drown in one's own thoughts... or thoughtlessness. 

Thursday, October 3, 2024


OJO kaluguran daka

Monday, September 30, 2024


Ang mahal naman pala talaga ng antipara ngayon. Maraming salamat kay ate Din sa pag isponsor nito. Mahusay din mag rekomenda ang saleslady ng kanilang produkto at yung mahal na frame talaga ang ipinasubok sa akin. Noong hindi pa sa akin inisisiwalat ang price reveal ay akala ko'y mura lang at manipis lang naman at magaan. Nagulat lang naman ako ng slight. Titanium daw kasi kaya ganoon ang presyo. Okay. Kung sabagay, naging pricey lang din kasi dahil nag avail ako ng anti-blue light at photochromic features. Wampipti daw pala yung grado ng magkabila kong mga mata. To be fair, hindi ko inakala na may ililinaw pa pala ang mundo. Para akong biniyayaan ng bagong pares na mga mata. Wow factor din na hindi ko ramdam na may suot ako dahil nga magaan lamang ito. 

---------------------

Isang patalastas mula kay WH Auden

https://www.youtube.com/watch?v=EXdeHucf4X0


The midnight pretenders are out of time

Thursday, September 26, 2024


 

【Mashup】The Weeknd × Tomoko Aran(亜蘭知子)(Out of Time/Midnight Pretenders) - YouTube

___________________

familiar heartbeat be it weak 

one cannot easily deny

solace in the veil of ambiguity 

is an inescapable lie

no amount of nimbleness is safe

never can you outrun time

Eternal sunshine of the spotless... stainless steel

Sunday, April 21, 2024

 


How happy is the blameless vestal's lot!
The world forgetting, by the world forgot.
Eternal sunshine of the spotless mind!
Each pray'r accepted, and each wish resign'd

(Eloisa to Abelard - Alexander Pope)

The unconventional midnight muse

Tuesday, April 16, 2024

You wake me up

with a midnight kiss

not to shed inspiration

but induce exasperation


you make my eyes water

and you take my breath away

never in awe

but in perpetual misery

----------------------------------------



Poy is my Bestfriend

Straight from Thailand

Delivered by an Elephant

Lavandula update... fail

Friday, April 5, 2024
It is the summer of discontent yet again. Could this be a sad foreshadowing? I no longer cling to the hope of sprouts to come. Instead, I've only seen what appears to be Leucaenas, wind blown most likely. I might just start from scratch, this time allotting a more controlled setup. Hopefully the impatience will be sated by Pachelbel's Canon :/ To long days ahead. 



--------------------------


In spite of all the recent downhills, perhaps it is time for the long overdue visit. Soon.


Ikwento mo sa pagong

Wednesday, April 3, 2024

Isa sa mga naging paborito kong laruan noong ako'y bata ay ang action figure ni Leonardo, isa sa apat na pagong na bumubuo sa grupong Teenage Mutant Ninja Turtles (TMNT). Magilas ang laruang ito sapagkat pwede mo siyang gawing pagong at itransform din upang maging si Leonardo. May kasama din itong dalawang espada na kung tawagin sa Hapon ay katana. Sa madaling salita, nagka lasog lasog ang laruang ito sa dalas ba naman nang pagkakagamit at tunay naman ding nasulit ng mga musmos kong kamay at imahenasyon. Ngunit hindi tungkol kay Leonardo ang nais kong isalaysay. Ang kwento ko ay tungkol sa pagong. Wala na ako pakialam kung anong uri, basta may carapace at plastron ay pagong na yan sa akin. Pinaka unang pagong na aking nakita siguro ay noong grade school pa ako sa tindahan ng mga goldfish at aquarium na ilang hakbang lang sa aming bahay. Ito yung pagong na kulay berde at maliit pa sa palad. Ito nga sana yung gusto kong bilin ni mommy imbis na fighting fish at goldfish kaso nahihiya ako kasi baka mahal. Anyway ano ba meron sa pagong? Wala naman, para lang sa akin kung ako man ay magiging hayop ay gusto ko maging pagong tapos sakin mo na lang ikwento kung ano man gusto mo ikwento. Kung merong 'bahala na si batman', sa kwento naman ako ang iyong tatawagin. Madami din advantage ang pagiging pagong. Una amphibian ito, pwede sa lupa at pwede sa dagat. Di pa naman ako marunong lumangoy so oks na oks ito. Isa pa, di na kailangan ng bahay dahil naka kabit na sa katawan ang bahay nito. Ayos din kung may kailangang pagtaguan o iwasan, ipasok lang ang ulo sa loob at out of sight, out of mind na. Mabagal din ito kumilos kaya walang alintana sa bilis ng mundo, at your own pace ika nga. Vegetarian nga lang pala ito. Ito nama'y napagsasanayan din, ang importante ay makakain. Advantage na din siguro yung pagiging kalbo at no need ng haircut... saka cute yan para sa iba. Hindi rin ito maingay kumpara sa mga ibang hayop... teka, what does the turtle say nga ba? Wa-pa-pa-pa-pa-pa-pow? Mapalad ka pala kung tortoise ka at di mo na kailangan ng pansit sapagkat 100 years ang lifespan mo, makukuha mo pa yung pa 100k ng gobyerno sa mga centenarians. Madami pa for sure ang perks nang pagiging pagong na di ko na nabanggit. Ayos, yun lang siguro ang sasabihin ko. Sana nahikayat kita na mangarap din na maging pagong para may kasama ako. By the way pala, wag niyo sana isisi sa pagong ang pagka ban sa mga plastic straw... kung bat naman kasi pagong pa ang naging mukha ng campaign na ito, pwede namang gorilla nalang ah at may ilong din yun, mas malaki pa. 

Anino

Nito lamang nakaraang Sabado de Gloria ay may isang batang babae na edad 10 ang isinugod sa ospital kung saan ako naka duty. Noong una'y di ko pa nauunawan kung ano ang nangyayari sapagkat nagkakagulo ang mga naghatid sa bata. Kapansin pansin ang isang aleng humahagulgol sa grupong ito. Nalunod. Yan ang aking narinig habang ako'y napatingin sa isang lupaypay na katawan sa stretcher ng ambulansya. Parang isang reflex, dagli akong nag utos ng CPR sa mga kasama kong nurses. Ako na mismo ang naunang nag pump sa dibdib ng bata. Ambu bag! Epi! Pa hook sa cardiac monitor! Lahat naman ay nagawa ayon sa protocol. Ngunit huli na ang lahat, dead on arrival.


Sa maikling oras na aking nakasama at sinubukan isalba ang buhay ng bata, ako'y medyo nababahala sapagkat hindi ko na maalala ang itsura ng kanyang mukha. Isa na lamang siyang anino sa aking alaala. Maski pangalan niya'y di ko na rin matandaan. Isang Jane Doe. Ganun na ba kabalisa ang aking utak at para na lamang akong isang de-susing robot sa isang malaking makinarya? Hindi maalis sa aking isip na kung ako kaya ay isang anino lang din sa mga taong aking nakakasama at nakakasalamuha. Ang kanilang mga kilos at salita kaya ay parte lang din ng isang makinarya? Ako kaya ay isang John Doe no. xxx? Kung sabagay, di ko na rin naman malalaman yun kung magkataon man.

--------------------------

I am but a shadow fading in the presence of your light.

Isa pa ding malaking dilemma ang pumili sa pagitan ni Kotaro at Lamont, ngunit ako muna ay kay Lamont ngayon magpapasanib. Hay nako, here we go again.

28/100

Tuesday, April 2, 2024
the sands of time 
sifting through 
the fingers of mortality
like an arabesque 
through the heart of the keys
a moment's trance 
for a moment of peace


Canto XXXIII; Giovanni di Paolo
---------------------------------

"ive had enough of reading things...
...all i want is the truth now
just give me some truth now"

Bang for the buck

Monday, April 1, 2024

 

c274e3ea4d7b322ea52ccf8c38e5525d (640×360) (yimg.com)

Prime video sure got lucky with its boxing debut. Fights from the undercards and the 2 main events all turned out great. Initially I was just supposed to watch Isaac Cruz's fight but I got hooked to the other bouts as well. I even dropped my phone while bathing haha. The bloody match sure wasn't expected. I just hope a rematch between Tszyu and Fundora will happen. Davis vs Cruz II would be awesome.

Shrinkflation?

Saturday, March 2, 2024

Back in 2017 when I was still a senior intern, my go to ball point pen was the 0.7 Faber Castell. It glides smoothly on paper and would usually last for 1-2 weeks of heavy use, sometimes even more. I would particularly pick the one in pink casing since I've made it my own trademark, of course to lessen the common problem of misplaced/loss pen in the wards. A pink FC pen was then almost synonymous to me.

Fast forward 2024, I am quite disappointed with the same brand I used to rely on before. With only half a duty worth of use, a newly bought FC pen would have consumed half of its ink supply. Why is this so? Disappointments do come in all shapes and sizes.


El gato

Friday, March 1, 2024

ano ang feeling?

nang nagtagpo ang ating mga mata... at nagkatitigan?

wala naman 'diba?

wala din namang nakita.

sige, uwi ka na... hinahanap ka na ng nanay mo.

Spandau Ballet - True (HD Remastered) (youtube.com)

To water once more

Wednesday, February 28, 2024

Past is the season of lavenders after all?

Dinner (From "The Lady Caliph") (youtube.com)

Hindi ko alam kung ano mas malala, ang pag atake ng mga Monomorium, and pag kalkal ni Toby sa lupa, o kaya naman ang guni guni ng isang sapa na bigla na lang lumitaw. Kung aayon sa panahon at kalendaryo, may ilang araw pa na maaring mag hintay at umasa sa biyaya ng tubig... na hindi galing sa asungot na sapa.

Ibigay na lamang sa lupa ang sa lupa at magpasalamat sa kung ano ang meron at kung ano ang wala. Ganyan talaga, tnnt :/ 

What is rooted in evil is doomed to fail

Sunday, February 11, 2024

The aspiration to achieve a goal driven by evil motivation is an end doomed at failure. It may not be obvious early on but as time goes by, the corruption compounds on the means and the goal itself. What initially appears to be superior or the better good is actually more backward and rotten to the core than what is being despised. More often than not, much has been spent in time and effort when the realization comes to view. May it not be impossible to correct, time lost will never be recovered. Thus it should serve as a warning for all. A motivation deeply rooted in hate and evil will never be better than what is despised, rather would turn out to be a much worse outcome. Once the realization is made, one must be quick enough and act on reflex to immediately change course. 

Realization is not solely dependent on the self as one is blinded by personal motivation. One must learn to observe well and use the senses optimally. There should be patience in listening what others say and more importantly what others do not say. The discipline of being quiet at times when it is afforded is of great value paired with a clear and unbiased mind.  It may be a daunting effort but doable nonetheless.

27/100

Tuesday, February 6, 2024


Slow 

is the trickle of sand in my hourglass

which I can't bring myself to dispose.

Eternally enchanted by its uncanny charm,

flawed and aged as its keeper.

One crack more,

a lost soul less?


Tenor Sax Guitar Jazz Duo "バス・ストップ Bus Stop" 平浩二カバー (youtube.com)