Bus 3

Monday, October 22, 2012
TIC TAC TOE


Akoy namamangka
Sa ilog ng aking isipan
Sa bawat paghampas ng sagwan
Siya naman ang galit na pagsambit
Ng tubig - Ang tanging tunog na maririnig
Sa nakabibinging katahimikan

Hindi matanaw ang hangganan
Hindi rin alam ang sinimulan
Basta nalamang namulat
Sa mapanglaw na nakatotohanan

Sa poot at lungkot na nadarama
Para kanino kaya
Ang luha na dumadampi
Sa maputlang pisngi
Para kaninong tenga kaya
Humihiyaw ang pusong
Di makapagtimpi

Wala nang nasang magpumiglas
Ang nakagapos na mga paa
Sa tanikalang kalawangin

Ang mga mata'y sanay na
Sa nakasisilaw na kadiliman
At ang katawan ay di na iniiinda
Ang nakapapasong ginaw ng katotohanan

Maski ang sariling paghikbi 
Ay di na madinig
Takot na tumingin sa tubig
Pagkat baka magulat at magtaka
Di makapaniwala
Di makilala
Ang imaheng masisilip
At tuluyang mabaliw
------------------------------------------------------------------

Never had a field trip that I really enjoyed.

Masyado kasi akong spoiled, kumbaga kailangan talaga dapat may magsubo muna sakin bago ako kumain. Para tuloy wala akong natutunan sa UP, nakakahiya. Kahit ayaw ko, palagi akong napipilitang bumalik sa sarili kong mundo. Noong pre school ko pa binuo yung mundong iyon, hanggang ngayon pa ba naman di pa din ako makagraduate at tuluyang makalaya. I'm already old and not getting any younger. Lumalaki lang talaga akong paurong. Lotus flower... hanggang kailan ka ba magtatago? Hoy susi, pag nakita kita, the first thing I'll do is to duplicate you. Hirap ng nawawalan ng susi. 

Betcha By Golly Wow

Sunday, October 21, 2012
http://www.youtube.com/watch?v=eOByk8N0TXw&feature=fvwrel

welchallyn

Wednesday, October 17, 2012


Hintayin ang hating gabi
Kung kailan ang mundoy humihimbing
At ang buwan at mga tala lamang
Ang siyang magiging saksi

Lumusong sa dagat
At pagurin ang sarili
Sa unti-unting pagsisid
Sa kaibuturan ng karimlan
Isang hangganang di makakamtan

Kung lupaypay na ang buong katawan
Ay humiyaw ng malakas
At ilabas ang lahat ng luha
Maski pawang wala namang nangyayari
Maski wala nang nadarama

Hayaan ang diwa
Sa kataway panandaliang kumawala
At sumayaw sa malungkot
Na himig ng pagiyak
Ng iba pang mga nalulunod na nilalang

Sa pagmulat ng mga mata
Kataway sa dalampasigan
Ay naianod na
Upang muling ipagbunyi
Ang bukang liwaway

(At sa nahaharap na hating gabi
Kung kailan ang mundo'y humihimbing
At ang buwan at mga tala lamang
Ang siyang magiging saksi
Ay muling magpalunod at magpaalon
Sa silakbo ng damdamin)

Hot streak

Tuesday, October 16, 2012
Lost three of them just this sem. The sad thing is, they're all tresses.

Harlem Nocturne

Sunday, October 14, 2012
http://www.youtube.com/watch?v=v1yYJc1_LMU

Trench coat, felt hat, and the good ol' magnifying glass.

Magic Temple

Saturday, October 13, 2012
 http://www.youtube.com/watch?v=Pcx59bTqLyY

"anong dapat mong gawin sa buto para tumubo?...
...pakawalan mo muna, buksan ang iyong palad at ihulog sa lupa"
 - Jubal (Magic Temple)

Surge Fist



Words need not slip from your lips
For your beckoning smile
Enthralls even the astral angels
How much more then
Is it for a mere mortal to resist?

Of the truths in this world
Only of your beauty is unfazed
Forged from the extremes, fire and ice
Such unworldly jewel
That gods themselves desire

Hair that blankets the night sky
Eyes that illuminate the day
You who make eternity stop
Incarnating the heavenly skies
Making dawn and dusk unite

If to gaze upon you is a sin
Then let perdition upon me befall
This feeble body may rot and perish
But my spirit, ever will hold
For my soul only with you can be at ease

Daisuki na kimi ni (Oda Kazumasa)


http://www.youtube.com/watch?v=0Fxn27V2Yhk

wind flower

One of the sanest lines I heard so far in school (coming from a girl):

"Niloloko lang natin sarili natin" or was it "Wag na nating lokohin sarili natin" (on answering an exam)

I forgot the exact words, but they're somewhere along those lines.

If you lack the knowledge, at least accept the fact that you are ignorant. Let your ignorance guide/motivate you in acquiring that knowledge you lack. 

torocci

Friday, October 12, 2012
the swirls and twirls 
that enchanted you once,
now seem to be just plain straight lines.
of the dreamy rainbow
that made you gasp,
the colors now to you are bland.

the price that you pay
for staring at it all day
made you disillusioned.

for the painting 
that then made you smile,
now won't even make you
draw a sigh.

Out of nothing 3

Thursday, October 11, 2012
Ang konsepto ng pakikisama ay isa sa mga pinahahalagahang katangian nating mga Pilipino. Sa pakikisama sa ibang tao, handa tayong makiisa at makisimpatya sa anumang kalagayan na dinadanas ng ating kapwa. Kadalasan pa nga, dulot ng lubos lubos na pakikisama, ay handa tayong magtiis ng hirap para sa ating kapwa. Sa mga ganitong pagkakataon, pinipilit pa din natin ang pag ngiti sa kabila ng sakit, pagod, at hirap.

Nakatutuwa ang konsepto ng pakikisama dahil ipinakikita lang nito na tunay nga na likas sa ating mga tao ang pakikihalubilo. Kung sabagay, hindi tayo mabubuhay ng nag iisa lamang. Ayon nga kay John Donne:


"No man is an island, entire of itself... any man's death diminishes me, because I am involved in mankind, and therefore never send to know for whom the bells tolls; it tolls for thee."

Siyempre, dahil tao tayo ay kaya nating ilagay ang ating mga sarili sa kalagayan ng ating kapwa tao, 'nakakarelate tayo' ika nga.

Nakaiinis lang isipin na minsan, ang konsepto ng pakikisama ay ine-equate sa konsepto ng imahe o panlabas na katangian. 

Natural lamang sa atin na ipresenta ang ating mga sarili sa ating kapwa bilang mga magaganda at mga poging nilalang. Kumbaga, minamarket natin ang ating mga sarili sa ibang tao. Sino ba naman ang gustong mag mukhang panget sa mundong ayaw sa mga panget. Masokista ka siguro kung okay lang sayo yun. Pero dapat nating tandaan na ang panlabas na anyo ay isa lamang mababaw na sukatan ng ating pagkatao. Nangingibabaw pa din ang kagandahan at kapogian ng ating ugali at asal. Sa kabila nito, hindi mapagkakaila na may mga taong mas pinahahalagahan ang kanilang kababawan. Kung sabagay, ang ating panlabas na imahe ang unang bagay na nabinibigyang pansin ng ating kapwa.

Ang pakikisama sa kapwa sa pamamaraang mababaw ay pagsisinungaling. Ito ay pagsisinungaling di lang sa kapwa, pati na din sa sarili. Tinatalo nito ang esensya ng kabuluhan ng pakikisama. Tinatanggalan nito ang pakikisama ng elemento ng sinseridad. Sa madaling salita, hipokrito ka kung ganito ka. Mas uunahin mo pa ba ang iyong imahe kaysa sa tunay mong saloobin? Ngingiti ka pa din ba kahit galit na galit ka na? Tatango ka pa din ba kahit ayaw mo na? Pipilitin mo pa din ba kahit hindi mo na kaya? Bakit hindi mo na lang sabihin yung totoo, pinahihirapan mo lang yung sarili mo at niloloko mo yung kapwa mo. Siguro naman, hangad din ng iyong kapwa ang iyong ikabubuti. Ikaw nga yung nakikisama sa kanya e, kumbaga tinatanawan ka pa niya ng utang na loob. Huwag mo naman ito sayangin sa iyong kababawan. 

 

still a lock without a key

Sunday, October 7, 2012
It's kinda frustrating that things are still the same for me. Though I'm already realizing my dream of becoming a doctor in DLSHSI, I still feel unsure about a lot of things. Maybe its because that I'm pushing myself somehow, like having one foot on the dock and the other on the boat. It's just that I think haven't matured yet (?), that I still am lacking something that is crucial for the situation I am in right now. Honestly, I'm aware of what's wrong with me but I just keep on denying it. If I don't do something about it I'll surely end up making the same mistake I did back in high school and college. But how can I solve things up if I still don't have an answer to my problem? Should I make an answer for myself rather than seek it? But that would be hard...

 I'm sick of this. Gosh, I hate myself.                

paikot-ikot (vicious circle)

Friday, October 5, 2012
sa bawat siklo ng pagsilang at paghimbing
ilang tala kaya ang sana'y nakapiling
sapagkat mga paay balisang balisa
at isip namay sadyang pariwara


cyberbully

Tuesday, October 2, 2012
freedom equated to power isn't freedom at all

where is the democracy that you keep on boasting about?

SHAME