goodtimes...oldtimes

Tuesday, December 14, 2010
It's been a while... Setback?
Notebooks are still way better than blog posts.

New dreams, new inspiration, new love, yet same old self.

The universe will bow down to a goddess...

Fullhouse

Thursday, September 16, 2010
It's not the group's fault, never was and never will. Besides, I started everything with the wrong foot forward. But I do hope to end it all with the right step.

Right now, I still don't know what to do. It seems that I've ran out of luck. I'm very thankful though that my parents are very supportive of me, even if I'm old enough to think for myself. I do know that this can't go on forever, I'll need to learn to stand on my own feet and make firm decisions with the will to face the consequences.

Somehow I still can't confess what really is troubling me. I'm ashamed of my problem because it seems too trivial from the surface, but it delves deeply within.

I also find it disturbing that I feel longing for a friend these days. I've spent almost my whole life as a recluse, closing my ties within the family.

Dance in this world of miracles?

pagiging Batang 'X'

Sunday, September 5, 2010
Unti-unti akong nahihigop sa isang mundong gawa ng imahenasyon. Isang mundong tila perpekto, at kung magka problema man ay kaagad nareresolba. Bawat araw ay nagtatapos ng may ngiting mababaksa sa mukha ng bawat karakter sa isang kuwentong mapagparaya. Isang mundong nakapaloob sa maliit na espapsyo sa aking ulo.

Ito siguro ay isang pananggalang sa malamlam na realidad ng aking buhay. Ang katotohanan ay nagiging mapanglaw dulot na rin ng aking katauhan, personalidad, at paniniwala.

Sa pagidlip lamang natatamasa ang kasiyahang walang bahid ng malisya. Lantarang naihahayag ang mga saloobin at tunay na nadarama.

Minsan tuloy ay naitatanong sa sarili, panaginip ba o realidad?

Sa ngayon ay hindi pa din ganap sa aking isip kung ano ang mas matimbang, mas makabuluhan, at mas mahalaga.

tower defense

Thursday, August 12, 2010
Pasensya na Kester, Niki, Gian, Pearl, Karl, at Daryl.

Ako yung nagpalubog sa bangka. Nakalimutan ko kasing pasakan yung butas. Nahirapan tuloy kayong tanggalin yung tubig sa loob ng sinasakyan natin, habang nakikipagsagupaan tayo sa malalaking alon. Takot na rin ako noon. Buti na lang nailigtas niyo ako noong bumigay na ang ating bangka, di rin kasi ako marunong lumangoy.

Pasensya na kung akoy naging pabigat sa inyo.

Di ko nga maintindihan kung bakit napakainit nang gabing iyon. Nagmistulang araw ang buwan, nanlilisik ang tingin sa walang kalaban-labang nilalang. Umuulan pa sa lagay na iyon.

Tulong?

Wednesday, August 11, 2010
TANG INANG HIYA YAN!

sorry for the choice of words...
di naman ito nagsusugat.

Sa Susunod Agahan Ha!?

Kung ang paguusapan lang naman ay 'takdang oras', masasabi kong hind ako nagkukulang dito. Ang aking relo ay advanced ng 30 min at madalas din akong pumasok sa klase ng 30 min bago pa man ito magsimula (oras ayon sa aking relo). Ayaw na ayaw ko na mahuli sa kung ano mang miting, maski alam ko na wala naman talagang sumusunod sa itinakdang iskedyul. Sa totoo lang, ayokong maging pabigat sa mga taong kailangan kong makasalimuha.

Gayon man ang aking disiplina, hinahatak naman ako pababa ng aking matinding 'HIYA'. Maski alam ko na kailangan nang aksyonan ang isang bagay, madalas ay hindi ko naipaparating ang aking saloobin. Hindi ko magawang lapitan at kausapin ang aking mga guro, kaklase, kagrupo, o mga kaibigan.

'Sa susunod agahan ha!?' Simpleng mga salita, ngunit para sa akin ay nakakababa ng morale.

Ayaw ko kasing makasakit ng aking kapwa kaya hanggat maaari ay di ako nakikisalamuha. Gayundin, lagi kong hinahanap hanap ang 'feeling of belongingness' sa anumang grupo na aking mapasukan.

Tae. Ayoko ng ganito.

Efficiency at its best

Sunday, July 11, 2010
http://www.chappo1.com/images/Ring%20Tail%20Possum%20A1.jpg

Ring Tail Possum

trying to smell what's cookin'

going too far... way too far...
passion? lust?

enjoy as much as you can
while things are still kept low.

no loud bangin' please... ha ha
i still have a test to work on.

goodluck!

spring cleaning

Monday, June 21, 2010
I wallowed in shit for too long, now it's hard to clean up. The stain is stuck firmly and may never be washed off. My sight has been blinded by the dirt all around me, making it hard to get out of this slump. I can no longer afford to stay in this condition for I have lagged so far behind and life has outrun me and is no longer within reach. I can no longer fix this up, my only option is to find a way to escape.

In every step I take, shit trails behind me...
Wherever I go, the stench follows...

I walk in shame, carrying my past.

lipad ipis lipad

Saturday, April 24, 2010
http://img.photobucket.com/albums/v431/drunken_enchanter/ipis.jpg


kung ang iyong mundo'y sadyang maliit at kulang,
ilantad mo ang iyong mga pakpak at tuluyang kumawala.
lampasan mo ang rurok ng kamalayan at magpatangay ka
sa ihip ng kawalan... at abutin ang iyong mga panagarap...
SA ISANG PANAGINIP.

Repressed thoughts

Thursday, April 22, 2010
S,

I know that you're having a hard time trying to work out things with me. I'm sorry but I just couldn't help being ME, being shy, lackluster, and timid. I am simply an introvert, as you would have noticed already.

I don't want you to get the wrong picture; even if it doesn't show, I do enjoy your company and I really appreciate the way in which you are reaching out and taking the initiative.

The thing is, I am not really good at socializing. Especially towards a GIRL like you. I always (er... often) find myself dumbfounded when it comes to interacting with the opposite sex. I really don't know why. I work better with boys (I can relate easily).

Girls really are incomprehensible. Well... at least for me... for the mean time.

I know that you're mad at me right now, I can't blame you for this because PARTNERS should work together and have some kind of unity.

I am sorry for not being a good partner.

I hope that you wouldn't get TIRED of me. I admit that I need you more than you need me.

Sincerely yours,
-------X--------

P.S. You are really nice in a lot of ways. :)

I can't believe this... ha ha (hu hu hu)

Saturday, March 20, 2010
http://davidbix.byethost32.com/wp-content/uploads/2009/09/CM-Punk.jpg

---------------------------------------

and here's another one:

http://www.youtube.com/watch?v=vh1f9I-Mlao

5

Kumakalasing
Na singkong duling
Ano mang giting
Tuluyang mapra-praning

Ampaw

Saturday, March 6, 2010
Nasisiraan na naman ako ng bait. Kumawala muli ang diwa sa aking katawan, naliligaw sa isang panaginip...
-------------------------------------------
Halos hindi ko na namamalayan ang mabilis na paglipas ng panahon. Akala ko'y isa pa rin akong musmos na nangangapa sa landas ng buhay. Hindi na talaga ako lumaki... Hindi na rin natuto...

Nagpapaanod lang ako sa hangin, walang pakialam kung saan man ako mapadpad.

Bakit ba ako ganito? Sa ngayon, isa lang ang aking natitiyak: kung hindi ako magbabago ay wala akong patutunguhan.

Hangang panaginip na lang ba ang saysay ng buhay ko? May pagasa pa bang makawal ang kaluluwa kong nakagapos sa mundo ng kawalan?

Punong-puno ako ng pagsisisi, pagsisisi sa mga bagay na nagawa ko sa nakaraang panahon. Alam ko naman na ang kasalukuyan ay siyang nagiging nakaraan.

Hindi ko pa talaga kilala ang aking sarili.
------------------------------------------
Ang katuturan ng buhay ay nakabase sa kasaysayan.

New Home

Friday, March 5, 2010



Mine is the top bed.

Proxima Centauri

I really am an idiot

A sentiment kept in silence is like a vivid dream. A dream that feels so real as if it is reality itself. Bright like the rays of the morning sun, full of joy and bliss, not anticipating the coming of sunset.

But it is a dream that is completely lost upon awakening, never remembered.

A sentiment kept in silence is a foolery of one’s self. It is selfishness that brings anxiousness and a sense of isolation. It imprisons the self away from life, making reality a mere blur.

Ang Pakikipag-sapalaran ni Eks sa Loob ng Kaloob-looban 2

Disyembre 2009, unang linggo

Malapit na ang bakasyon noon, kaya naman mababakas na rin ng bahagya ang saya sa mukha ni Eks. Ngunit may bumabagabag pa rin sa kanyang isipan. Kinakailangan niya nang maghanap ng ibang matutuluyan sapagkat paaalisin na siya sa boarding house na kanyang tinitirhan, dahil maski ang may-ari nito ay pinaaalis na rin. Hindi pa niya alam kung ano ang dahilan, basta ang nasa isip niya lang ay kung saan siya lilipat. Tumingin-tingin si Eks sa mga ads na nakapaskil sa mga poste at bulletin boards tungkol sa bedspace for males, halos lahat ng nakita niya ay for females. Sa kanayang paghahanap, dalawa lamang ang nakita niya na panglalaki. Tinext niya agad ang mga nakuhang numero ngunit isa lang ang nagreply. Natuwa naman siya dahil saktong sa loob din ng unibersidad ang bedspace na maaari niyang lipatan at mura din ang renta sa halagang 1,500 kada buwan. School week nang nag text siya kaya sabi niya sa nagpapaupa na dadaan na lang siya ng Sabado. Nang dumating ang Sabado, ginawa niya muna noong umaga ang kanyang nakagawiang paglilinis ng mga gamit, kaya noong hapon na lang si Eks naging libre upang puntahan ang nasabing paupahan. Nagtext muna siya sa nagpapaupa na pupunta na siya sa kanila. Nadismaya si Eks sa tugon na kanyang natanggap, may nauna na daw na umupa at nakapagbayad na ito. Pasensya na lang daw.

Nginitian na lamang niya ang sarili…

May roommate si Eks, at maski ang roommate niya ay naghahanap ng malilipatan. Ilang araw na lang at bakasyon na pero hindi pa si Eks nakakahanap ng malilipatan. Buti na lamang at nakahanap na pala ang roommate niya at niyaya nito si Eks na tignan ang lugar. Tinext ni Eks ang magulang niya ukol dito, at pinayuhan siya na mag-downpayment na para kahit papaano ay may sigurado na silang malilipatan at di na sila mamroblema sa pasukan.

Nagpunta sila Eks sa bahay na kanilang titignan at nagdala nga siya ng perang pang downpayment. Sa labas pa pala ito ng unibersidad at kinakailangan pang mag dyip upang makarating dito. Ilang sandali lamang at nakarating na sila sa kanilang pupuntahan. Matayog ang paupahan na ito na binubuo ng limang palapag. Sa bawat palapag, maliban sa pinakababa (ito ang lugar ng may-ari), ay iisa lamang ang kuwarto. Matarik at maliit ang hagdanan na inakyat nila. Sa ikalawang palapag lamang mayroong kuwartong pangdalawahan, ngunit may nakaupa na dito (nagkataon pa na kakilala ni Eks ang taong ito, at babae nga pala siya). Palilipatin na lang daw ng may-ari ang babaeng border sa ikalimang palapag kung lilipat sina Eks sa boarding house na iyon. Naalala ni Eks ang bilin ng kanyang magulang na mag down na, ngunit nahihiya siyang sabihin iyon sa kanyang roommate. Hindi na nga niya nasabi ito, hanggang sa umalis na sila. Ang sabi ng roommate niya ay maaaring dun na lamang sila tumira kung wala na talagang silang makikita pang ibang puwedeng lipatan.

Kampante na si Eks sa sitwasyon. Sa loob-loob niya ay mayroon na siyang puwedeng lipatan kaya hindi na siya maghahanap pa ng iba. Ayos na iyon sa kanya…

Ika- 31 ng Disyembre, bisperas ng Bagong Taon 2010

Di-mapakali si Eks. Punong-puno na siya ng takot at pangamba. Naisip na naman niya ang konsepto ng time machine.

Masama ito…

Nalaman ni Eks na hindi pa pala payag na lumipat ng kuwarto yung border na nasa pangdalawahang kuwarto. Tinetext niya ang kanyang roommate, ngunit para bang…

Tinext rin niya ang may-ari ng apartment ngunit…

Hindi na niya malaman kung ano ang gagawin. Siguradong pagagalitan siya ng kanyang mga magulang pag nalaman nila ito. Ngunit kung mananatili naman siyang tahimik, wala siyang titirhan para sa pasukan.

Hapon na noong nagkaroon si Eks ng lakas ng loob na sabihin sa kanyang mga magulang ang MALAKING problema. Tama ang kanyang hula, PINAGALITAN nga siya.

Hindi man dumurugo ang mga salita,

dinidikdik naman nito ang kaluluwa.

Ang pinakamapait na luha,

ay siyang hindi bumabaha.

(Sa mundo ng mga manloloko, kailangan ikaw din ay mangloko upang di ka ma-gago.)

P.S. Nakahanap ang magulang ni Eks ng boarding house na kanyang matutuluyan na mas-maganda pa kaysa sa dati niyang tirahan.

ar er

Thursday, January 7, 2010

How stretched is far

My feet, will it mar

If it does, I’ll scuffle against tar

As long as your safe in your car.

How long is forever

Will it still come or never

If it does, what comes after

It won’t really matter, I’ll still be your...

very late... retarded

I am about to be kicked out of my niche.

I need to find another place to stay in. The horror of starting all over, considering the problems entailed: looking for a viable place, packing, moving, adapting, and worst of all, struggling for ‘belongingness’.

Goodbye to my good old room. The past two years were wanly, therefore fun.

Paalam babae sa loob ng aking kabinet, sana’y hindi mo makalimutan ang ating pinagsamahan.

It’s time to turn over a new leaf.