Huling sulyap sa unang semestre, 09-10

Tuesday, October 13, 2009
Masyado akong naging matamlay sa pagkakataong ito, kaya hindi na ako magtataka kung magiging mababa ang mga marka ko ngayon kumpara sa mga nakalipas na taon. Napansin ko na mas lalo akong naging antukin, mas lalo akong nabaling sa nba live, halos araw-araw na ako nag i-internet, at mas napadalas ang pag-uwi ko sa aking lupang tinubuan. Ganyan talaga... My discipline is NOT unforgiving. Peste.

Bio 11-
Dito ko nakilala ang legendary na si Ma'am RRR. Magaling siyang magturo at siguradong hindi ka makakatulog sa kanyang klase, kung hindi... hala ka. Pamatay din ang mga eksam na ibinibigay niya.
Gayundin naman si Ma'am Buerano na mahirap mag pa-eksam. Kapansin-pansin ang kanyang malaking pagmamahal sa Bio. May eksam pa nga pala ako bukas sa kanya,... kailangang mag-aral.
At siyempre hindi makukumpleto ang Bio 11 kung wala ang aming lab instuctor na si Sir Acebedo. Wala akong masasabi sa kanya kundi...MAGILAS. Nagtra-transform nga pala siya at nagiging...

Phys 71-
Hindi ko pa alam kung exempted ako sa finals...
Si Ma'am Rye... Madalas siyang bumitiw ng mga jokes, kahit medyo korni ung iba ay sigurado naman na mapapatawa o mapapangiti ka niya. Malapit din siya sa kanyang mga estudyante. Maaari rin siyang ituring 'superwoman' dahil sa lakas ng powers niya. Magugulat ka na sa mismong araw ng exam ay maibibigay niya kaagad ang results. Halos isang daan (o higit pa, hindi ako gaanong sigurado) pa naman kami sa klase niya.

Span 10-
Natuto akong mag spanish sa paulit-ulit na chain drills ni Prof. Alcantara. Marami talaga akong natutunan sa kanya, at ito ang pinaka kuwelang subject na pinasukan ko sa buong semestre. Kinantahan pa nga ako noong aking kaarawan ng spanish version ng 'happy birthday'.

Fil 40-
Dito ko nakilala si Ma'am Ruby, ang oic ng student housing. Naaalala ko pa noong gumawa ako ng liham sa kanya noong freshman ako. Para sa dorm application yung liham na iyon, at sinuwerte naman ako at natanggap ako sa Kalayaan.
Pinapahalagahan niya ang pagiging kritikal naming mga estudyante bilang mamamayan ng bansa. Sa klaseng ito ay nag-report ako tungkol sa librong '12 Little Things Every Filipino Can Do To Help Our Country' ni Alex Lacson. Medyo sabog yung pagkaka-report ko dito... Feel na feel ko pa naman ang pagiging pinoy ko habang ako'y nagrereport.

---------

Apat lang ang subject ko sa semestreng ito. Alam ko... ang konti. 15 units lang. Ka shi-shift ko pa lang kasi sa BS Psch, kaya medyo nagulo ung enlistment ko... NAKU! Naalala ko tuloy ung ipinila ko para makuha ko ung Bio 11 (TATLONG araw na pagpila!).

Pero natutuwa ako at sa wakas... BS Psycholohgy na ako! WOOOO! Next stop... Med School.

7 comments:

Anonymous said...

Okay ba si Ma'am Ruby for Fil 40? anong requirements? :D

batang x said...

okay naman. reporting ang gagawin sa klase (magbibigay siya ng reading list tapos pipili ka ng irereport mo). madalas siya busy noon kaya medyo madalas kaming walang klase, kaso lang strict siya sa attendance.

batang x said...

mahilig din pala siyang magkwento kaya nagiging lively ang klase.

Dave said...

Hindi ba hassle yung class ni Ma'am Ruby? Like GEs na feeling Major?

batang x said...

di ko alam kung iba na yung teaching materials and method niya. nung time kasi namin, pipili ka ng book or articles na irereport (once lang naman pero mahabahaba yung readings lalo na pag book).

Anonymous said...

Nagiging ano si Sir Alvin?

batang x said...

haha... wala lang yun. may blog kasi siya dati na nakita ko sa net.

Post a Comment