Sino ang ikaw sa akin?

Friday, October 28, 2022

Ikaw ang TAHANAN na aking inuuwian sa tuwing ako ay nawawala, napapagod at nasasaktan.  

Ikaw ang SUSI sa kandado ng tanikalang gumagapos sa mga bisig ng aking puso at kamalayan.

Ikaw ang nagiisang PUSTA na ang aking buhay ang isusugal, ito man ay magdulot ng kapahamakan.

Ikaw ang maliwanag na BUWAN na nagsisilbing tanglaw sa masukal at taksil na daang nilimot ng mga bituin. 

Ikaw ang SAGOT sa lahat ng tanong na bumabagabag sa aking isipan sa mga gabing binabalisa at hindi makatulog.

Ikaw ang pagsara ng KURTINA sa kwartong niluma ng panahon, na sa huling pagngiti ay bakas ang wagas na kapayapaan.

Sino ang IKAW sa akin?

Ikaw ang PAGASA na matapos ang mahaba at nakakapagal na gabi ay sa kinabukasan ay mayroon paring masasaksihan na pagsikat ng araw.

0 comments:

Post a Comment