awit ng sisne

Friday, February 14, 2014
sa anim na libong bundok
nitong tinatahak ng
hibang na saloobin
hanggan saan kaya ang nararating?

damdamin kaya sa hininga
ay kinakapos din?
unti-unting nananamlay
mitsa ng oras ang kaaway

isang suntok sa buwan
wari ay hiyaw sa kawalan
makaririnig pa kaya
ng alingawngaw ng ipinagsisigawan?

0 comments:

Post a Comment