20/100
Monday, July 30, 2018
I am here, but I am not
Like a word without form
But with a sound that pales
That of a cool summer rain
I am here, but I am not
Like the clouds up above
That are never the same
For any given moment
I am here, but I am not
Like a forgotten dream
You keep on thinking of
When only feelings remain
I am here, but I am not
Like your beautiful heart
Beating through uncertainty
Giving hope when there is none
Pulang Sinulid ng Kaplaran
Thursday, July 19, 2018
https://www.youtube.com/watch?v=fzqvva1Jk3c
An invisible red string connects those who are destined to meet regardless of time, place, or circumstances.
Halos mag a-ala una y media noon nang madaling araw nang ako'y biglang may narinig na isang dagling matinis na tunog na animo'y napigtal na alambre. Kinilabutan ako at nagsitaas ang aking balahibo. Madilim noon sa aking kwarto pagkat nakapatay ang ilaw. Tahimik. Ang dagling tunog na aking narinig ay umalingawngaw sa aking isipan. Alam ko na kung ano iyon, ngunit kung paano at bakit nangyari ay hindi ko mawari. Binuksan ko ang ilaw at tinungo ko agad ang sulok ng kwarto kung saan nakalagay ang maalikabok na gitarang matagal nang abandonado at walang gumagamit. Ayun na nga. Napigtal ang isang alambre nito. Ang pagiyak ng isang estrangherong pusa sa labas ay hindi nakatulong. Idagdag pa ang pang-aasar ng isang diyosa.
--------------------------------------------------------
Red string of fate. Pulang sinulid ng kapalaran. Posible nga kaya na ang isang mortal ay mag may-ari ng sinulid na sa dulo'y isang diyosa na tulad ni Afrodita ang nakaabang? Kung magkagayon man, ang tatlong Parkas ay may tangan na gunting at sa kanilang hatol at pag hadlang ay maaring gupitin ang sinulid ng kapalaran. But what is to be human? Sa libro ng buhay, hindi ba't nasa kamay rin ng isang tao ang pluma at kapangyarihan upang mag akda ng kanyang sariling kwento? Gayun na rin siguro ang maglikha ng kanyang sariling pulang sinulid.
19/100
Wednesday, July 18, 2018
maluwag na ang hamba ng jalousie
sa kwartong baligtad ni Precy
hangin at liwanag ay di matamtam
hanay ng mga salamin ay nagpapaalam
kumuha ka na ng pang ansal, Klara
mga ulap sa loob ay nagkukulay abo na
kabibili lang ng mga muebles nung lunes
sayang, baka hindi na abutin ng viernes
--------------------
kung pwede lang di matulog, bakit hindi
Across the Universe
Monday, July 16, 2018
https://www.youtube.com/watch?v=YpGME3Iv7Yg
Jai guru deva om
Nothing's gonna change my world
What am I unsure of? Para akong isang ampaw... hangin lang, hangin lang talaga. Eto na naman tayo, manong Kierkegaard... wala din akong maamoy sa aking daliri... wala. Kanino nga ba ilalabas ang rants at angst?
18/100
Thursday, July 12, 2018
Sa likod ng araw, aking sinta
Doon ako'y nananahan, nakatira
Ako'y huwag nang pilit hanapin
Lakad lang, damdamin ang sundin
Kung saan naroon, ika'y tinitingala
Mga paa natin ay nag aabot sa lupa
Sa'yong lilim man ay laging nagkukubli
Hindi ka iiwan, sa tabi'y mananatili
Ang aking salita ay walang tinig
Mga kilos ko ay walang pilantik
Ngunit sa oras na ang mundo'y tahimik
Iyo ang aking bisig pati ang aking bibig
Sa gabing walang tala at tulog ang buwan
At ang dilim ay pawang walang katapusan
Lahat ng pangamba ay iyong isantabi
Ang anino ay magiilaw, sayo'y magsisilbi
17/100
Sunday, July 1, 2018
Naaalala ko pa nang ika'y unang nakita
Ako'y napalukso at napalundag sa tuwa
Isang manikang oso, nako! hala!
Ngiti mo palang ako'y napasaya
Ikaw ang bitbit sa tuwi-tuwina
Maski sa pagtulog ay yapus-yapos ka
Hindi na nagsawa at sa panaginip din
Tayo’y naglalaro sa isang lihim na hardin
Lumipas mga taon naging matalik na magkaibigan
Habulan sa tirik ng araw, tampisaw sa ulan
Gusgusin man kung tayo'y kanilang kantsawan
Kaligayahan naman natin ay di matatawaran
Mga mata mo'y napagmasadan akong lumaki
Nakitang umiyak, tumawa, at ngumiti
Siguro kung sa mundo ko'y ikaw ay tao rin
Sa laro ng buhay ay tayo at tayo pa rin
Ngayong ako'y ganap na malaki
Kamay ko'y di na akma sa bisig mong ga-daliri
Sa mata ng iba ikaw ay isa lamang laruan
At ang tulad ko daw sayo'y di na dapat magtangan
Ang dating musmos na puso ngayo'y natutong umibig
Na ang buhay ay di lang saya, mayroon ding pighati
Siguro kung sa mundo koy ikaw ay tao rin
Sa laro ng buhay ay tayo at tayo pa rin
Ikaw ngayon sa ibang bata’y akin nang ipauubaya
Gabayan mo siya tulad ng sa ating pagsasama
Sapagkat sa mata ng iba ikaw ay isa lamang laruan
At ang tulad ko daw sayo'y di na dapat magtangan
Siguro kung sa mundo ko'y ikaw ay tao rin
Sa laro ng buhay ay tayo at tayo pa rin
Subscribe to:
Posts (Atom)