8/100

Tuesday, December 5, 2017

iisa lamang ang awit
ng hangin na sa mukha ay dumadampi
hirap man dumilat at kapos ang hininga
malinaw sa pandinig at pandama
ang isang panaghoy
sanay ang maaliwalas na alapaap
ay maghatid ng biyayang ulan
at sa bawat lubak nitong dinaraanan
 ay matamasa maski panandali
ang isang piraso ng langit
na noon pa may hinihiling

7/100

Friday, October 20, 2017

ano ang imik 
ng isang anino
sa pigurang
sa kanyay naglalang

sa mga pasakit
kanyang kalasag
sa pagka inutil
tungkod na matatag

ano ang imik 
ng isang anino
sa isang buhay
na hiniram

hahanapin din
sa pusod ng ilang
dilim sa liwanag
ay kumikinang

6/100

Monday, October 16, 2017

ever pensive and vigilant
but oh, the fraudulent 
and the insidious
the corrupted demands
and worldly dictates
drag the resolve to slumber
in the dubious dreamland
of augmented reality

my eyes are tired
and are to fall
to what light then
shall I rest my gaze
to keep this dying kindle
burning
    

5/100

Tuesday, October 3, 2017

looking
looking yonder the azure calm
as far as the mountainous border
of the divine tryst of realms

looking
looking through a somber pair
but can only go so far
to the limits of instinct

the truth
rests only in the heart
and only through its eyes
can solace be found

4/100

Monday, September 11, 2017
umiiyak muli ang kalangitan
sa nagkasala hatid ay kapatawaran
at isang oyayi sa bilasang kaisipan
mga luhang lumilingap
sa mga aninong naghihintay sa pagtubos
ng dalisay na liwanag
tulad nitong aking diwa
na sa huli lang napagtanto
na ang oras ay humihinto
na ang oras ay huwad
sa pusong natutunang umibig
 umaasa mang matumbasan
ay walang hinihintay na kapalit

3/100

Saturday, September 9, 2017
in what ways do you speak, my dear
in what ways should I stand
for the sky above you
is same as mine
the lulling moon
the kindling sun
so hold my hand
cast my doubts, all my fears
 and guide my soul
towards the gates of the Empyrean

2/100

unti-unting inililigpit
ang limang taon
sa bawat pagtiklop
sa bawat pagsinop
ngunit ang iyong gunita
sa loob ng maikling panahon
ang siyang pawang
hindi natatapos
tulad nitong payapang gabi

1/100

Friday, September 8, 2017
 sa likod ng isang paalam
ay isang mapaganyayang ngiti
na ang bukas ay muling sisibol
upang ipagbunyi ang kahapong
nagbigay daan sa araw ngayon

100 Tula Para kay Beatrice

Thursday, September 7, 2017


Isang ambisyosong proyekto na gumawa ng isang serye ng mga tula sa paggunita sa buhay (celebration of life), La Vita Nuova


https://www.youtube.com/watch?v=1HzroxR1Xlw

And so today...

Tuesday, September 5, 2017
... I crossed the Rubicon.

I am no Julius Caesar and I have no legion in my command. But I have my parents, my siblings, and the merciful grace of God.

One day, I'll recount this day as the herald of either my victory or defeat in life. But there will be no regrets since I know I stood for what I believe. I already received a lot of messages and calls from my concerned relatives admonishing me for my decision. I have nothing for them but apologies from the bottom of my heart. I know the sacrifices they made to put me in the place where I am now. They could have chosen not to care. And for that I am forever grateful. However, I know myself more than anyone and I know I chose the right thing to do. And so I will fight for it.

Naawa lang ako sa mga magulang at mga kapatid ko na nadadamay pa sa sigalot na ito. Kung sana lang sa akin na lang ituon ang lahat ng galit.  

And that's the way the cookie crumbles

Saturday, September 2, 2017
https://www.youtube.com/watch?v=F4sRTg7ne8E

Just lessons?

Dark clouds overhead...

I remember the first time I made a big decision for myself and that was when I chose to shift courses from Engineering to the Social Sciences. It wasn't a very difficult choice but what made it cumbersome were my parents' and relatives' opinions on the whys and hows. But I knew I needed to stand firm since it was very clear to me that the very decision will affect my future. Until one night my parents called for me and talked to me about it and ending the discussion saying that they're there for me regardless of my choice. I cried silently that night. There were no regrets for me.

History repeated itself, and this time I chose to take my medical licensure exam by March of next year instead of taking this September. Being faced with the same problem, I want to stand firm with this decision. I'd rather bear the transient pain than be haunted forever by the what ifs. And so I'll cry silently to myself at night for the next 6 months.

My indecisiveness already cost me to lose a very dear person.

...and I left my umbrella at home.


Ilabas na ang mga tipaklong!!! let loose the grasshoppers!!!

Monday, August 14, 2017





 https://vignette4.wikia.nocookie.net/vsbattles/images/4/41/Zapdos10-0.jpg/revision/latest?cb=20150507040444

https://www.youtube.com/watch?v=1yhl-XNQY0k

 https://www.youtube.com/watch?v=Eks_5o0z6lI

Magpapakabait na po ako... gawin niyo lang po akong kamen rider black!!!

willing to be handcuffed by time... leather sana haha... and a prayer to pass yet another life-defining exam

Monday, August 7, 2017




Limitless are the stars despite a lifetime's gaze
for time wont stoop to anything and goes unfaltered, unfazed
if i can count each one and memorize their names
would that make a difference to the queen of fate?
---------------------------------------------------------------------------

hindi ko alam (o hindi ako sigurado ?) kung kaibigan ko ba o kalaban ang oras.
pero alam ko na di naman siya hihinto maski ano pa man ang gawin ko.
sadyang mayroong mga bagay lang talaga siguro na dapat matutunang kalimutan? o kaya nama'y ikahon na lang at itago sa isang aparador ng isipan... tulad na lamang ng isang lumang letrato, isang pag gunita sa panahong ilado.
ang kahapon, ngayon, at bukas ay pawang magkakaibang mundo na nagtatagpo sa isang punto ng oras... ngunit kung saan, ay hindi ko pa nakikita. only time will tell??? dehadong dehado naman talaga haha

----------------------------------------------------------------------------

halos 3 buwan na akong walang wrist watch haha... bat kasi tumatakbo pa ang oras, e yung sa aking relos matagal nang huminto. "ill stop the world and melt with youuuuu....."

but before anything else... nako.... pumasa sana ako... live Jesus in our hearts, forever!

https://www.youtube.com/watch?v=LuN6gs0AJls

First of May

Monday, May 1, 2017



It’s not like a pack of M&Ms that got ransacked by a pesky cockroach that you can just throw away easily and be replaced by another one from the nearest 7/11 outlet. No, it’s not like that... it will never be.

Nako talaga... it has been a trip to rainbow lane. Pero... Well things change through time. Time, the saddest being.