Sunday, October 30, 2016
http://img11.deviantart.net/cdfc/i/2007/339/8/c/the_taste_of_heaven_by_hannelin.jpg

everybody knows
that the moon is made of cheese
and he who suffers most
finds the purest joys with ease
genuine pain
waxes yonder the carnal
but waning pain
is seemingly eternal

everybody knows
that the moon is made of cheese
to he who dreams in desolation
hope springs without cease
patience is the virtue
and love is the end
but the will has its limit
a point to break and bend

everybody knows
that the moon is made of cheese
if not of the moon
what good is the cheese?
the heart transcends reason
gambles as it please
and everybody knows
that the moon is made of cheese

Return to Sender

Saturday, October 22, 2016

https://www.youtube.com/watch?v=LZmUfUBqE-s
Friday, October 21, 2016
nitong kinahon at ibinaon
sa limot ng kahapon

na sa dilim ng mga ligaw
na anino ay nilumot

ay di mapigil ang pagtambol
ng isang ritmong pamilyar

na sa dakong una ay
kumatok, pinagbuksan, at sinabayan

ngayo'y isang marikit na bangungot
para sa diwa na ibinandona ng antok

kung isa mang patibong ay
nakatutuksong magpabihag muli

kahit na sa isip ay maliwanag
na ito'y isang pagkakamali

pagkat ang buhay sa mundo
sa malas ay maikli

di tulad ng pagsisisi
na hanggang sa himlaya'y bitbit
sa papel na ito
ay aking ipagkakasya
ang lahat na sa iyo'y  nadarama
ngunit di ko mapili
ang mga salita
at di ko rin alam
kung saan magsisimula
kung kaya't ito'y
ititgil ko na
bago pa man matuyo ang tinta
sa naka abang ko na pluma
nang sa gayon
sa susunod ay magamit pa
kapag napili ko na
ang mga salita
at alam ko na
kung saan magsisimula
ako at ako
isang  lipas na kamalayan
na iminulat sa isang hawlang
gawa  sa rehas na pinanday
ng pagaatubili at kahinaan ng loob

ako at ako
lumaki ng paurong
sa natutunang kamangmangan
at di man lang kinailangang
lapatan ng kandado ang pintuan
pagkat hindi mangangahas na tumakas

ako at ako
sa isang sulok natutulog ng mahimbing
sa gabing lahat ay gising
na kung magkataon man
ay huling pagbibigyan
o unang ipagbibigay

ako at ako
nagtatanong, naghahanap, nagbabakasakali
na kahit katiting na anomalya
sa kinagisnang sistema
ay may pagasa pa para sa isang mundo
na ang ako at ako
ay hindi at wala
nananalangin sa isang tagapagligtas
na magpapalaya