Isang bukas na liham

Saturday, January 12, 2013
Ngayon na siguro ang huli nating pagkikita. Maski ako ay nabigla sa di inaasahang pangyayari na nagdala sa atin sa sitwasyong ito. Gayundin naman, maaaring di mo napansin na ikaw din ang nagbigay ng huling suntok sa resolusyon nitong katapusan. Pero ayos lang iyon, sigurado naman akong di mo alam ang tinatakbo ng isipan at saloobin ko. Kung sabagay, ako lang naman ang lumikha at nagsimula ng lahat ng ito kung kayat nararapat lang siguro na ikaw naman ang tumapos. Masaklap nga lang, ang katotohanan ay di mo din alam na mayroon tayong sinimulan kahit papaano. Di rin naman kasi ako nagsalita.

Nabubuhay ka sa realidad, ako naman ay sa panaginip. Alam mo ba na ikaw ang panaginip ko? Sa madaling salita ay nabuhay din ako sa realidad nang dahil sa iyo, kahit sa maikling panahon lamang. Itoy buong puso kong ipinagpapasalamat.
------------------------------------------------

Sa kabila ng lahat ng ito, di ko pa din magawang tapusin ang sulat na ito. Marahil akoy umaasa pa din.

0 comments:

Post a Comment