Dapat ay nagaaral ako sa mga oras na ito. May tatlong eksam na nakalaan sa buong linggo. Ngunit kung saan saan nakararating ang isip ko.
isang tuyong dahong
nagpapatangay sa hangin
walang pakialam
san man nito dalhin
at anuman ang sapitin
Siguro nga ay tuyong tuyo na ang utak ko. Habang tumatagal parang lalo akong nabobobo.
bobo, ulo'y puro
hangin na parang lobo
ano ang sabi ng lolo?
utak daw ay may toyo
TL. True love. Tunay na pagibig. Sabi ni Carl Rogers: unconditional positive regard. 'I extend to you my (unconditional positive) regards' haha.
pagibig muna bago dota
mauuwi naman sa pag toma
RAK na lang mga dre
Ice yan tol! pare
Matagal na rin akong di nakakapag GG. Pero di ko rin naman talaga gaanong naappreciate yung gameplay at medyo naguguluhan ako. Talong-talo nga ako ng mga nakababata kong kapatid.
piniritong galunggong
sinawsaw sa bagoong
iyong huling hantungan
ay dito sa aking tiyan
Naalala ko nanaman yung nabasag kong bagoong na nakagarapon. Tapos nakakita pa ako ng 2 anghel sa Mcdo nung araw din na iyon. Biruin mo, naging kaibigan ko din yung dalawang iyon!
naamoy mo na ba
ang halimuyak ng hininga
ng isang anghel?
que bien huele, que bien huele
Angel's breath yung polbo na ginagamit dati samin ng aming nanay nung maliit pa kami ng ate ko. Ngayon ay wala na akong nakikitang ganitong brand na itinitinda sa mga mall. Nilalaro ko lang ang polbo noon, kadalasan pa nga ay sa likod na aking tatay yung playground. Saka pag gumamagawa ako ng eroplanong papel ay nilalagyan ko ito ng polbo para pag pinalipad ko ang eroplano ay parang nagiiwan ito ng usok.
enola gay
isnt gay as it says
and little boy
isnt about fun and toys
Di na rin siguro nakapagtataka kung bakit pinangalanan ang makasaysayang eroplano hango sa pangalan ng ina ng piloto. Maski nanay ko parang bomba din kung magalit sakin kung minsan (minsan lang naman, peace mami!). Pero mas okay siguro kung mas malakas yung dating ng pangalan nito tulad ng: 'wrath of the grim reaper', 'devil's hearse of eternal damnation', 'one way trip to Malebolge', o kaya 'the eight legs of Sleipnir'. Dun sa bomba naman, bakit kaya little boy yung napili? 'Boom shakalaka' nalang sana. Pwede ring Batang X hehehe...