Paano maipapakita na ika'y masaya
Kung ang ngiti’y pangkaraniwan, laan sa madla
Di ba’t masmainam kung labi’y mapagtimpi
At siyang damdaming dakila ang babakas sa bawat ngiti
Ngunit sa mga matang mababaw mistulang manhid
Ang ‘di pag ayon sa nais mabatid
Sa gusto’y ninanasang masapit
Sa ayaw ay pinipilit ang pagpikit
0 comments:
Post a Comment