Out of nothing 2

Monday, October 24, 2011

Letrato
Halos lahat na yata ng tao ay nagmamayari ng kamera. Ganun ba talaga kahalaga ang mga letrato para sa mga tao? What’s in a picture? The colors? The faces? The sceneries? Kung sabagay, kung saan mang letrato ka involved at makakarelate, may makukuha ka nga namang frozen memories. Bahal na yung utak mo na mag defroze nito, at paglaruan ang mga sandaling lumipas na. Sa huli, paggunita din pala sa nakalipas ang gamit nito, puwera na lang sa tunguhing pang komersyal. Mauuwi din pala ang lahat sa napakaklasikong pagiisip na tumutumbok sa kahalagahan ng ‘kasaysayan’. Yun nga lang, lahat ba ng letratong na i-develop, nasa computer, o nasa memory stick ay may ‘saysay’. Isa pa, kung sa bawat oras na lumilipas ay meron kang letratong magpupugay sa iyong makulay na buhay, will the pictures then still serve their purpose? Para san pa ang pag re-reminisce kung wala ka namang ire-reminisce? Naaalala ko tuloy yung diary ko nung grade school pa ako. 'Nung umaga, kumain ako. Nung tanghali, kumain ako. Nung gabi, kumain ako tapos natulog na.' Sa next entry, ganun ulit yung nakasulat. Dinaan ko nga lang sa stickers yung diary na yun e.

1 comments:

Anonymous said...

Oh, nasa dugo mo na pala talaga ang pagsusulat. Keep it up, Doraemon!

Post a Comment