Ang Pakikipag-sapalaran ni Eks sa Loob ng Kaloob-looban 1
Friday, October 16, 2009
Mapanglaw na ang kulay sa kanyang mukha at nanlilimahid na ito sa langis. Masakit na ang kanyang ulo sa tagal ng oras na inilaan para sa isang make-up class. Lampas tanghalian na nang matapos ang klase. Ito na rin ang pinakahuling klase niya para sa buong termino.
Dumiretso kaagad siya sa Bio Bldg. upang alamin ang resulta ng kanyang huling eksamen sa biology. Nais niyang alamin kung exempted na siya sa finals, kating-kati na kasi siyang makauwi sa probinsya.
Habang papalapit na siya sa pintuan ng bldg. ay bigla niyang nakita ang kanyang propesor sa Bio na saktong pa-pasok din sa loob ng gusali. Huminto muna siya ng paglakad at hinintay muna niyang makapasok sa gusali ang kanyang guro. Nahihiya siyang makasabay ito.
Nang makapasok na si Eks sa loob ay umakyat muna ito sa ikalawang palapag upang mag-cr. Sa kanyang paglakad ay nakita naman niya ang kanyang laboratory instructor na nagbibigay ng lab eksam sa mga estudyante. Tamang-tama sapagkat hindi pa rin niya nakikita ang resulat ng dalawang lab eksam niya. Kailangan din kasi na mapasa ang lab eksam upang maging exempted sa finals.
Naisipan niya na unang pumunta sa kanyang propesor bago sa lab instructor. Nasa may pintuan na siya. Kailangan na lang niyang kumatok. Biglang may pumigil sa kanya. Inatake nanaman si Eks ng kanyang hiya. Tinignan niya ang oras sa kanyang cellphone at natambad sa kanya na lunch brake pa pala. Gumaan muli ang kanyang loob.
Umalis muna siya upang maupo at magpahinga sa kabilang bldg., matao kasi sa Bio Bldg. Hindi na muna siya nananghalian sapagkat 30 mins lang naman ang kailangan niyang hintayin. Pinatay niya ang oras sa pagbabasa ng Walden at pag-idlip ng sandali.
Ala-una noong muli siyang bumalik sa Bio Bldg. Dumiretso siya sa kuwarto ng kanyang propesor at doon ay nag-ipon siya ng lakas ng loob upang kumatok sa pinto. Tok tok tok.
"Come in, the door is open." Alam na ng kanyang propesor ang kanyang pakay kaya napadali na ang kanyang trabaho. Itinanong lang sa kanya kung ano ang exam no. at iniabot kaagad ang kanyang test booklet. Suwerte, pasado.
Pagkaraan nito ay nagtungo naman siya sa kuwarto ng kanyang lab instructor. Muli siyang nag-ipon ng lakas ng loob upang kumatok. Tok tok tok.
Walang sumagot. Tok tok tok.
Wala talaga.
Nawala ang kanyang kaba ngunit siya naman ay nalungkot. Gustong-gusto na talaga kasi niyang umuwi sa kanila. Kailangan na lang niyang malaman kung kukuha ba siya ng finals sa Bio.
Sa kanyang paglabas ay nakita niya ang lab instuctor na pa-pasok ng gusali. Biglang tumalikod si Eks at nagtago panandali. Natuwa siya ngunit muli siyang kinabahan. Sadyang mahiyain lang talaga kasi siya. Hanggat maaari ay ayaw niyang makisalimuha sa iba, maliban na lang kung kapamilya niya ito o matalik na kaibigan.
Nakipagtalo muna siya sa kanyang sarili bago siya nagkaroon ng lakas upang harapin ang kanyang lab instructor. Kailangang gawin niya ito upang malaman niya kung makakauwi na ba talaga siya sa probinsya.
Saktong pag-punta niya sa kuwarto ng lab instructor ay siya namang lumabas ito. Bigla ulit siyang tumalikod at nagtago. Naging maluwag muli ang kanyang dibdib ngunit nainis siya sa kanyang sarili.
Dalawang pagkakataon ang kanyang sinayang... nagpasakop kasi siya sa bugso ng kanyang damdamin.
Umuwi na lang si Eks sa bahay na kanyang tinutuluyan. Naiinis sa sarili.

Out of nothing 1
Thursday, October 15, 2009
ANG BABAE AT ANG CR
Isang malaking misteryo para sa akin ang pagkuha ng mga babae ng letrato ng kani-kanilang mga sarili sa loob ng isang comfort room. Minsan solo, kadalasan grupo. Karaniwan itong mangyari sa tuwing mayroong mga magkakaibigang nagkakasama sa isang party, bertdey, o ano pa mang pagsasalo. Parang mga model pa nga ng cr kung mag-posing sila.
Sa loob-loob ko, maaaring ginagawa nila ito dahil mayroong malalaking salamin sa loob ng mga cr. Advantage nga naman ito upang maging maganda ang kalalabasan ng letrato dahil nakikita nila ang kanilang mga sarili sa harap ng salamin.
O baka naman may hidden agenda sila sa loob ng cr.
Mabango siguro sa loob ng cr ng mga babae, dahil kung sa cr ng mga lalake man magkakaroon ng isang photo shoot, malamang ay walang makakatagal sa umaalingasaw na mabaho at mapanghing amoy.
NAKAPAGTATAKA... NAKAPAGTATAKA...

Huling sulyap sa unang semestre, 09-10
Tuesday, October 13, 2009
Masyado akong naging matamlay sa pagkakataong ito, kaya hindi na ako magtataka kung magiging mababa ang mga marka ko ngayon kumpara sa mga nakalipas na taon. Napansin ko na mas lalo akong naging antukin, mas lalo akong nabaling sa nba live, halos araw-araw na ako nag i-internet, at mas napadalas ang pag-uwi ko sa aking lupang tinubuan. Ganyan talaga... My discipline is NOT unforgiving. Peste.
Bio 11-
Dito ko nakilala ang legendary na si Ma'am RRR. Magaling siyang magturo at siguradong hindi ka makakatulog sa kanyang klase, kung hindi... hala ka. Pamatay din ang mga eksam na ibinibigay niya.
Gayundin naman si Ma'am Buerano na mahirap mag pa-eksam. Kapansin-pansin ang kanyang malaking pagmamahal sa Bio. May eksam pa nga pala ako bukas sa kanya,... kailangang mag-aral.
At siyempre hindi makukumpleto ang Bio 11 kung wala ang aming lab instuctor na si Sir Acebedo. Wala akong masasabi sa kanya kundi...MAGILAS. Nagtra-transform nga pala siya at nagiging...
Phys 71-
Hindi ko pa alam kung exempted ako sa finals...
Si Ma'am Rye... Madalas siyang bumitiw ng mga jokes, kahit medyo korni ung iba ay sigurado naman na mapapatawa o mapapangiti ka niya. Malapit din siya sa kanyang mga estudyante. Maaari rin siyang ituring 'superwoman' dahil sa lakas ng powers niya. Magugulat ka na sa mismong araw ng exam ay maibibigay niya kaagad ang results. Halos isang daan (o higit pa, hindi ako gaanong sigurado) pa naman kami sa klase niya.
Span 10-
Natuto akong mag spanish sa paulit-ulit na chain drills ni Prof. Alcantara. Marami talaga akong natutunan sa kanya, at ito ang pinaka kuwelang subject na pinasukan ko sa buong semestre. Kinantahan pa nga ako noong aking kaarawan ng spanish version ng 'happy birthday'.
Fil 40-
Dito ko nakilala si Ma'am Ruby, ang oic ng student housing. Naaalala ko pa noong gumawa ako ng liham sa kanya noong freshman ako. Para sa dorm application yung liham na iyon, at sinuwerte naman ako at natanggap ako sa Kalayaan.
Pinapahalagahan niya ang pagiging kritikal naming mga estudyante bilang mamamayan ng bansa. Sa klaseng ito ay nag-report ako tungkol sa librong '12 Little Things Every Filipino Can Do To Help Our Country' ni Alex Lacson. Medyo sabog yung pagkaka-report ko dito... Feel na feel ko pa naman ang pagiging pinoy ko habang ako'y nagrereport.
---------
Apat lang ang subject ko sa semestreng ito. Alam ko... ang konti. 15 units lang. Ka shi-shift ko pa lang kasi sa BS Psch, kaya medyo nagulo ung enlistment ko... NAKU! Naalala ko tuloy ung ipinila ko para makuha ko ung Bio 11 (TATLONG araw na pagpila!).
Pero natutuwa ako at sa wakas... BS Psycholohgy na ako! WOOOO! Next stop... Med School.

The long wait is over!
--Facebook did it! Nice job!--
At last... it's all done. I thought it would never happen, but hey! it HAPPENED. But i still don't understand why she keeps bringing the past back. Or is it only because i'm stuck in a loophole? Or is she in a different time frame? Or am i just ignoring the past that knocks on my door, while she on the other hand already entertained it?
Or maybe... she just forgot because it's not worth it?
Ah! Must i be happy or sad? I think i'm going nuts!...
Still... everyone is nuts about (the outfit number).

Ang Babae sa Loob ng Aking Kabinet
Saturday, October 10, 2009
Sa tuwing binubuksan ko ang aking kabinet, ito ang mukha na lagi kong nasisilayan. Nakadikit ito sa tagong bahagi ng pinto ng aking kabinet. Hindi ako ang gumuhit at hindi rin naman ako ang nagdikit ng larawang ito, nandito na ito sa simula pa lamang ng pananatili ko sa boarding house na aking tinutuluyan.
Hindi naman gaanong kaakit-akit ang babaeng nakaguhit ngunit kapansin-pansin ang sekswal na reaksyon sa mukha nito. Sa pangungusap ng kanyang mga labi ay para bang nang-iimbita siya ang isang taong hahalik sa kanya.
Siya ang sumasalubong sa akin tuwing umaga kapag kumukuha ako ng damit na aking isusuot...
Siya rin ang saksi sa mga kalat ko sa loob ng kabinet...
At higit sa lahat, siya ang BABAE SA LOOB NG AKING KABINET.
Subscribe to:
Posts (Atom)