https://www.youtube.com/watch?v=X4bgXH3sJ2Q
ako ang batang hirang ng hilaga... sa katawan ko'y dumadaloy ang dugong 'X'.
Nazeeh by Junaid Perfumes
Salamat sa iyong regalo, Frecy.
Pamilyar na ako sa ganitong uri ng amoy. Amoy matanda. Amoy leather. Yung bang tulad ng amoy ng insenso sa simbahan - amoy banal. Ngunit sa paulit-ulit kong pag amoy nito ay nakalakihan ko na din at nagustuhan. Kung sabagay, may katandaan na din naman ako. Nitong Noviembre lang saakin ibinigay ito at nakalahati ko na agad. Nakakatuwa din pagmasdan ang gintong mala-seashell o Arabic minaret nitong cap... or mukang gintong ---- sa bird's eye view.
8/10
Fragrantica: https://www.fragrantica.com/perfume/Junaid-Perfumes/Nazeeh-22391.html
Kasama sa larawan ay ang The Imitation of Christ, bilang pagpupugay kay idol na si Rizal na malapit na ang death anniversary. Sa tanang buhay ko ay first time ko din magawi sa Rizal Park nitong taon sa pagsasadya sa National Museum, kasama ang aking Josephine Bracken. Makikita rin sa larawang ito ang ipinamana sa akin ni daddy na Leatherman multi-tool na marami na ding pinagdaanan.
nagkikislapan ang kaliskis
ng mga nakasalansang pampano
sa talipapa
sinasabayan ng patagong kislap
ng ngiti
ng mga parokyanong nagsasarili
at bulagbulagan
sa hinagpis
ng mga walang muwang na hibeng
paanod anod sa karagatan
there is a tingling fear
as you peer through a wall of glass
that for any given second
may break into millions
of too little pieces
having striking resemblance
to those that your eyes
leak in slumber
adorned by keen thorns
gentle wind’s sudden whisper
the mimosa bows
Copyright © 2009 Ang Tunay na Batang X
Design by Free CSS Templates
| Blogger Templates by Blog and Web