Masayado na yata akong sinuswerte sa buhay. Kahit katabi ko na ang kamalasan ay kumakapit parin ang suwerte sa akin. Siyempre masaya ako sa ganitong kalagayan, ngunit sa palagay ko'y pinaglalaruan ako ng tadhana.
Gusto ko kasing makita si Bell. Pero sa mga malas na tao lang siya nagpapakita.
Kung sabagay, kathang isip lang naman kasi si Bell... yun ay kung tatanungin mo ang mga matitinong tao. Kaso hindi ako matino, at buhay na buhay sa aking isip si Bell. Alam ko na totoo siya, maaaring sa ibang dimensiyon lang siya nabubuhay.
Sapat ba ang aking paniniwala upang masabi ko na totoo nga si Bell?
Ayon sa jtb ni Plato, knowlegde requires justification, belief, and truth. Belief... iyan ang pinanghahawakan ko. Truth... nakikita ko naman si Bell sa tv at manga, ok na kaya yun? Justification... pano nga ba? Kung externalist ako, di ko na kailangan yun basta may lawful connection between the belief and circumstance.
Nag e-exist nga si Bell, pero as fiction lang (tv and manga). Puwede ba yun? Nag e-exist na fiction? Anyway, ang gusto ko kasing sabihin ay totoo si Bell as a true being. Problema nga lang, Goddess si Bell. So pano na? Sa clear and distinct idea na lang ba ako mag a-appeal?
Ewan ko... basta kulang pa naman hanggang ngayon yung jtb e, baka pag lumabas na yung 4th requirement for knowledge, medyo malinawan na ako.
Im justified in believing my belief because i believe that i believe in my belief, belief being a form of thinking.
ostensive crossroads found in a chair
Thursday, February 3, 2011
sanay manumbalik
ang liksi ng kahapon
panahong nakaligtaa'y
gisingin sa pagkakatulog!
ala-alang iniwan ay
hiyas na nagniningning
na siya magsisilbing gabay
sa landas na tatahakin...
ang liksi ng kahapon
panahong nakaligtaa'y
gisingin sa pagkakatulog!
ala-alang iniwan ay
hiyas na nagniningning
na siya magsisilbing gabay
sa landas na tatahakin...
Subscribe to:
Posts (Atom)