tower defense

Thursday, August 12, 2010
Pasensya na Kester, Niki, Gian, Pearl, Karl, at Daryl.

Ako yung nagpalubog sa bangka. Nakalimutan ko kasing pasakan yung butas. Nahirapan tuloy kayong tanggalin yung tubig sa loob ng sinasakyan natin, habang nakikipagsagupaan tayo sa malalaking alon. Takot na rin ako noon. Buti na lang nailigtas niyo ako noong bumigay na ang ating bangka, di rin kasi ako marunong lumangoy.

Pasensya na kung akoy naging pabigat sa inyo.

Di ko nga maintindihan kung bakit napakainit nang gabing iyon. Nagmistulang araw ang buwan, nanlilisik ang tingin sa walang kalaban-labang nilalang. Umuulan pa sa lagay na iyon.

Tulong?

Wednesday, August 11, 2010
TANG INANG HIYA YAN!

sorry for the choice of words...
di naman ito nagsusugat.

Sa Susunod Agahan Ha!?

Kung ang paguusapan lang naman ay 'takdang oras', masasabi kong hind ako nagkukulang dito. Ang aking relo ay advanced ng 30 min at madalas din akong pumasok sa klase ng 30 min bago pa man ito magsimula (oras ayon sa aking relo). Ayaw na ayaw ko na mahuli sa kung ano mang miting, maski alam ko na wala naman talagang sumusunod sa itinakdang iskedyul. Sa totoo lang, ayokong maging pabigat sa mga taong kailangan kong makasalimuha.

Gayon man ang aking disiplina, hinahatak naman ako pababa ng aking matinding 'HIYA'. Maski alam ko na kailangan nang aksyonan ang isang bagay, madalas ay hindi ko naipaparating ang aking saloobin. Hindi ko magawang lapitan at kausapin ang aking mga guro, kaklase, kagrupo, o mga kaibigan.

'Sa susunod agahan ha!?' Simpleng mga salita, ngunit para sa akin ay nakakababa ng morale.

Ayaw ko kasing makasakit ng aking kapwa kaya hanggat maaari ay di ako nakikisalamuha. Gayundin, lagi kong hinahanap hanap ang 'feeling of belongingness' sa anumang grupo na aking mapasukan.

Tae. Ayoko ng ganito.